Kasama kita 
sa pagsalubong 
ng paparating 
na buhos ng ulan.
Magkahawak 
ating mga kamay 
na hindi natin 
namamalayan.
Ang tibok ng
ating mga puso 
dinig na dinig sa 
buong kalawakan.
Hindi patak ng ulan 
ang nag-iingayan,  
ngunit mga damdamin 
nating nagsusumpaan.
Ngunit ang lahat
ay nagbabago pati
ang ulan ay may 
nakatakdang katapusan.
Kasabay ng 
pagtila ng ulan, 
Kamay ko'y 
iyong binitiwan.
Dagli-dagli mo 
akong tinalikuran
hanggang tuluyan 
na mag-isang nilisan.
Gayunpaman, ikaw 
ay pasasalamatan.
Ako'y pansamantala 
mong sinilungan.
'Pagkat uuwi ka rin sa 
tunay mong tahanan.
Tapos na ang ating 
panandalian na suyuan.
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
 
                                               
                                                  