:: tayo lang

17 2 0
                                    

Pansamantalang nilisan magulong mundo
'Di akalaing makasama kita sa'king paglayo.

Sa madilim na sulok, ni isa walang kumibo
Pinakiramdaman hininga't pintig ng puso.

Walang may gustong maunang magsalita
Tila nabaluktot ang natutuyo ko ng dila.

Kuntento na sa lihim na paligaw-ligaw tingin
Kahit nangangati daliri nati'y pagsalikupin.

Nangangamba ako na baka iyong marinig
Bugso ng damdamin sa'ki'y nagpapanginig.

Nananabik akong mahawakan iyong kamay
Bawat bahagi ng katawa'y aking malakbay.

Mahagkan ka kahit saglit, mababaliw ako
Ngiti pa lang, iba na sensasyong dulot mo.

Sinta, pauunlakan ba mainit na pagsamo?
Walang iba, tayong dal'wa lang sa kwarto.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon