:: malaya ka na

16 2 0
                                    

Malaya kang gawin
lahat ng ninanais mo.
Malaya kang lumipad
sa malawak na himpapawid.

Malaya kang mangarap
na singtayog ng bundok.
Malaya kang abutin lahat
ng yun sa sariling pagsisikap.

Malaya kang piliin ang
landas na nais mong tahakin.
Malaya kang lumigaya sa 
taong nais mong makasama.

Malaya kang sumama sa
agos at alon ng buhay.
Malaya kang magpatangay
sa ihip at bugso ng hangin.

Malaya kang maniwala sa
mga nobelang iyong nababasa.
Malaya kang mag-imahinasyon
ng mga bagay na hindi magkakatotoo.

Mahal, malaya kang mahalin kung
sinong tinitibok ng iyong puso.
Malaya kang kumawala sa mga
rehas na labis ka ng nasasaktan.

Ngunit, kagaya ng aking tula,
malaya ka rin, Mahal—
Malaya kang tapusin ang 'tayo'
kung sa tingin mo'y 'di na nagtutugma.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon