:: paghamak

13 2 0
                                    

Kung mahalin ka ay isang maling kumpas ng hangin
Hinding-hindi magagawang ikukubli ang pagtingin
Papatangay sa ihip, kahit ihulog man sa bangin
Ipaglalaban kita, hanggang sa ika'y maging akin.

Hindi man sang-ayon ang mga hampas ng alon
Pilit ka mang ilayo ng mga bugso at tutol na Poon
Lulunurin ka ng pagmamahal na singlalim ng balon
Tiyak na sa muling pagsisid mo, hindi ka na makakaahon.

Hahadlang man ang mga lirikong taglay ng sonata
Lilikha ng sariling komposisyon at iaalay ang musika
Iyong pakinggan at sasamahan ko pa ng harmonika
Hiling ko ay maibigan at aawitin ng puso sa pagtanda.

Kahit ang mga tugma sa taludtod ng tula ay malabo
Sisikaping itama ayos ng bawat salita na binuo
Hindi tutuldukan kung ang sukat ay hindi pa pulido
Hangga't matudla mo na ikaw ang nilalaman nito.

Nauulinigan mo ba ang ugoy na inaanod sa himpapawid?
Naaarok ba ang pusod ng dagat na hindi mapatid?
Nadarama mo ba ang himig sa tonong inihahatid?
Sinta, ang nais iparating, iyo man lang bang nababatid?


Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon