Paano kung isang araw maglaho ako na parang bula?
Hihintayin mo kaya ang pagbabalik ko, Sinta?At sa pagbabalik ko ba, damdamin mo'y sa'kin pa?
O tuluyan ka na ngang nahulog sa iba?Maaalala mo pa kaya ang isang tulad ko?
Ang alay kong tula ba'y nakatago pa sa'yong puso?Marahil, nasa larawang kupas at inaanay na ako
O isang nabubulok na piyesa sa sulok ng iyong kwarto.Tanda mo pa kaya ang ating mga sumpaan?
Pati na rin ang mga pangakong walang hanggan?O isa na lamang alikabok ng ating nakaraan?
O 'di kaya'y nobelang mahapis ang katapusan?Laman pa rin kaya ng isipan at sa magdamag ay hanap-hanap?
Nais mo pa ba akong sa gabing maginaw ay makayakap?Siguro nga'y itatanggi na ang himas ng paglingap
Ngunit magiging masaya sa'yo kahit mahirap magpanggap.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...