:: minsan

13 2 0
                                    

Sana'y huminto saglit ang oras
Susunggaban ko na ika'y iposas.

Bawat segundo't minutong lilipas
Ayaw kong malustay at mapalampas.

Yayapusin kita nang magdamag
Ipapako sa akin bilang kalasag.

Hahalikan ka nang walang paglabag
Ipulupot ang braso at h'wag papalag.

Mahal, minsan lang kitang mamahalin
Bukas na lang rin kita ituturo't pipiliin.

'Pagkat ang minsa'y magpapatuloy pa rin.
'Pagkat ang kinabukasa'y hindi kakapusin.

Sa darating na bukas at minsan
Pagmamahal ko'y iyong asahan.

Iniibig kita nang walang pag-aalinlangan
Puso't isipa'y nakadena iyong pangalan.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon