:: talo at sawi

18 2 0
                                    

Masisisi mo ba ako
kung pag-ibig sa'yo
tuluyan ng naglaho?

Ang pangakong wagas
unti-unting kumukupas
at sugat ay bumabakas .

Sa bawat segundo
damdami'y lumalayo
at ito ri'y nagbabago.

Mahirap ng ilaban pa,
'pagkat saan kukuha
ng lakas at pag-asa?

Tila basag na salamin
ang pag-iibigan natin
na mahirap ng buuin.

Hindi na tulad ng dati,
dahil ito'y pagkakamali
na ikaw ang aking pinili.

Sinungaling ang puso mo,
panakip-butas pala ako
at akala ko ikaw ay totoo.

Paalam, dahil ito na ang huli
at kalimutan na ating sandali
pati pag-ibig nating 'di nagwagi.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon