:: maling akala

16 2 0
                                    

Mahirap magpanggap na akin ka pa, Sinta
Kahit ang totoo'y matagal ka ng kumawala.

Kumapit sa dalawang salita na binabato
Ngunit bakit hindi ko naman dama ito?

Kailan nga ba nagbago ang lahat?
Kailan hindi naging sapat ang tapat?

Binuhos ko ang pagmamahal nang buo
Hanggang walang natira para sa sarili ko.

Minahal kita gamit ang panulat at tinta
Ikaw ang paksa sa tulang pilit itinutugma.

Akala ko panghabambuhay na ang ligaya
Bakit ngayo'y tuloy tuloy ang agos ng luha?

Akala ko ikaw na ang sagot sa mga dalangin
Ba't tila ika'y lobo na tinangay ng hangin?

Kung ganto lang naman kasakit magmahal
Sana'y 'di ko hinayaan sarili sa'yo'y masakal.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon