:: minamahal pa rin

14 2 0
                                    

Ilang tula pa ba
Ang isusulat ko
Para malaman mo
Na mahal kita, Sinta?

Ilang tula pa ba
Ang iaalay ko
Upang maintindihan mo
At hindi na magduda?

Mahal, kulang pa ba
Ang mga salita at nagawa
Ang mga piyesa na nilikha
Upang saktan mo ang makata?

Kung oo, pasensya na
Di ko naman sinasadya
Na hindi ako sapat, Sinta
At hindi perpektong nilikha.

Mahal pa rin kita
Sa kabila ng mga
Sanlibo mong duda
At mga pagkukumpara.

Mamahalin pa rin kita
Kahit hindi ako siya
'Di ko naman ipipilit pa
Kung sakaling ayaw mo na.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon