Siguro'y hanggang dito na lang
Papalayo na ang aking hakbang.Sa wari ko'y hindi na tayo masaya
Nasasakal na at hindi makahinga.Tama na ating pagkukunwari
Ilabas na ating mga pighati.Ibuhos na ang mga pinipigilang luha
Panahon na para alisin ang maskara.Siguro'y hindi sapat ang mahal kita
Upang manatili sa piling mo, Sinta.Malaya ka ng gawin ang ninanais mo
Maaari mo na rin ako burahin sa isipan mo.Pundido na ang mga bombilya
Sarado na ang pinto't bintana.Aalis na ako sa tahanang ating binuo
Aalis na ako, kanlungan at tahanan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/329784056-288-k602566.jpg)
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...