:: pagkakadurog

16 2 0
                                    

Tila may kirot na sa puso ko ang bawat pagbigkas mo ng salitang "Mahal kita."

Hindi na saya ang dulot ng mga luhang isa-isang pumapatak sa aking mga mata.

Ang pangakong sa hirap at ginhawa natin na pagsasama isang panaginip lang pala.

Handa naman ako na ipaglaban ka kung kumapit ka lang at 'di bumitiw nang kusa.

Ngunit hindi kita masisisi kung talagang ayaw mo na at sa akin hindi ka na masaya.

Hindi ko akalain na aabot tayo sa puntong kukuwestiyunin mo ang pagmamahal sa'yo.

Batid kong kailanman hindi ako sasapat gayong ang puso mo sa iba naman dapat.

Bihuhos ko na sa'yo ang kaya kong ibigay,
ngunit binalewala mo lang lahat ng inalay.

Hindi ko na maramdaman ang kasabikan
sa'yo sa tuwing ika'y aking sinusulatan.

Ba't ang bilis lang para sa'yo na isuko
ang lahat ng mga alaalang ating binuo?

Sigurado ako, ikaw ang aking hangganan,
ngunit paano ko ba ito mapapatunayan?

Sinta, ba't sobrang sakit mong mahalin?
Pinasaya mo lang ako tapos ay wawasakin.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon