:: dahil sa'yo

20 2 0
                                    


Ilang beses nang nabigo sa lintik na pag-ibig na ang dulot lamang ay hapdi sa'king puso

Nadapa, nasugatan at nadurog; ni isa, wala sa'king umakay, humilom at umalalay na ako'y ibuo

Ang pag-asa'y 'di na mabanaag at tila ayaw nang subukin pang muli sa pag-ibig ay matuliro

Ngunit isa kang anghel na bumaba sa langit; sa pag-ibig muling naniwala na ang magpakailanman ay totoo.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon