Mananatilling ikaw
Mawala man ang sinag ng araw
Hanggang sa pagsapit ng gabi
Patuloy akong maghahabi.Sa tuwing ako'y napapagod
Pagmamahal mo ang humahagod
Ikaw ang nagsisilbi kong kanlungan
At tahanang uuwian, Aking Paraluman.Sisikapin kong hanggang dulo
Buo ang damdamin para sa'yo
Anuman ang maging hangganan
Mamamalagi kang aking kalawakan.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...