:: gabing kapiling ka

14 2 0
                                    

Puno ang langit ng mga bituin
Kaylamig pa ng simoy ng hangin.

Heto ka, nakaupo sa'king tabi
Pintig ng puso'y hindi mapakali.

Kakapusin yata ako ng hininga
Damdamin ko'y tila dinadaga.

Sa bawat pagdampi ng iyong balat
Tila nawawala ako sa tamang ulirat.

Huwag ka lang titingin at ngingiti, Binibini
Baka mahagkan nang walang pag-aatubili.

Pagmasdan mo na lamang ang buwan
Hayaan akong malaya kitang tititigan.

Ganto pala kasarap sa ilalim ng kalawakan
Lalo na't kapiling kang tanaw ang kawalan.

Ngunit wala ng sasarap pa sa'ting pag-ibig
Dinggin sigaw ng puso at ulo sa aki'y ihilig.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon