:: 14 14323

16 3 0
                                    

Hey, Aking Paraluman
Pa'no ko ba 'to sisimulan
Tila mga letra'y lumisan
Mga salita sa isipan
Naglaho ang kahulugan
Ikaw kasi'y nandiyan
Ba't pa sa aking harapan?
Ako tuloy kinakabahan
Hindi alam ang babalingan
Kung ikaw ba'y tititigan?
Tiyak na mag-iilangan
Kung kaya nag-aalangan
Magtatapat ba sa nararamdaman
O mas piliin na lang na hayaan?

Iniibig kita, Aking Sinta.

Tatlong salita, walong letra
Sa Ingles man na pagbasa
O sa Filipino ma'y naiiba
Te amo, Je'taime, Mahal kita.

Nakuha mo ba, Sinta
Damdaming nais ipadama?
Pasensya kung 'di bihasa.

Iyo na bang napagtanto
Kung ano, bakit, paano?

Sa akin mo man itanong
Walang makukuha ni bulong
Tanging puso lang na dumadaluhong.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon