:: awanggan

14 2 0
                                    

Singlayo ka man ng buwan
Patuloy kang pagmamasdan
Hahangaan ang kagandahan
Hinding-hindi ka pagsasawaan.

Hindi man kita nahahawakan
Hiling ko lang ika'y mahagkan
Iyong tatabihan sa hinihigaan
Init ng gabi'y ating pagsaluhan.

Batid kong malabo pa sa ngayon
Ngunit darating din ang panahon
Masilayan sa unang pagkakataon
Babaeng laman ng imahinasyon.

Sa ngayon, ikaw muna'y susulatan
Saksi ang tinta sa'king katapatan
Tanging sa mga tula lang idadaan
Ang pag-ibig na walang kamatayan.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon