You're hired
Prologue
Nagsimula sa 'You're hired' , natapos sa 'I'm tired'.
Hindi kayo maniniwala, kapag sinabi ko na ako si Cinderella.
Well, hindi naman talaga ako siya. Pero parehas kaming may evil stepmother at evil stepsister.
Isa lang ang stepsister ko, hindi gaya niya na dalawa. Isa pa, hindi naman ako katulong. May kaya ang pamilya ko kaya nga lang, unfortunately, hindi ako masaya sa mga kadahilanang.. malalaman niyo sa mga susunod na kabanata.
At higit sa lahat, wala akong prince charming. Isa lang akong, stalker at super fan ng isang lalaking.. hindi ko naman maaabot.
Sa dami ba naman ng babaeng humahabol sa kaniya eh imposibleng mapansin niya kahit dulo ng buhok ko.
At ang tahimik at boring kong buhay, umingay nang mapansin niya ko.
Oo. 'Yong lalaking kinahuhumalingan ng buong pagkatao at ng kaluluwa ko pati ng atay at balun-balunan ko mula first year college. Na halos magpakamatay na ko masilip ko lang ang basketball practice nila sa gym.
Isa siyang.. prince charming. Pero wala siyang kabayo.
Bola ang meron siya. Oo, bola. Basketball varsity kasi siya dito sa Rockheights University.
At isa akong.. dakilang fan.
Fan na laging nakasuporta sa kaniya, ano man ang gawin niya. Laging nagchicheer sa kaniya sa bawat basketball game ng team niya na kahit mapaos pa ko sa kakasigaw, hindi niya pa din naman ako maririnig sa dami ng fangirls niya.
Pero okay lang. Basta makita ko lang siya, okay na.
At ang unang mga salitang sinabi niya nang kausapin niya ko ay..
"You're hired."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...