Chapter 19 - Ace VS Ace

68 2 0
                                    

Chapter 19 - Ace VS Ace

[Jessica's POV]

Bumalik na ko sa classroom at agad naman akong pinilit ni Thea na magkwento.

Para naman siyang bulate na inasinan nang ikwento ko sa kaniya 'yong mga nangyari.

"Wait! Hindi kaya, nagseselos si--"

"Oh! Oh! 'Wag mo nang ituloy 'yan kasi imposible 'yang sinasabi mo. Nagalit lang siya dahil may kontrata nga naman kami tapos.. ayun. Gano'n lang 'yon, ano ka ba."

"Okay. Sabi mo eh. Sabagay, imposible nga naman talaga 'no. Pero.. si Gelo.. alam mo 'yon, parang bigla siyang nag-comeback sa buhay mo. Gelica is back! Kaya lang, kung kailan naman may Tristan ka na, saka siya babalik."

"Wow, maka'balik' naman 'to, para namang 'meron' noon ah."

"Tsch. Pero dahil sa nangyari kanina, kaabang-abang kung anong mangyayari mamaya sa tune up game."

After class, dumiretso agad kami sa gym. Marami nang tao pero nakakuha pa din kami ng magandang pwesto. Nasa kabilang side 'yong 2 teams at nagpiprepare na.

"GELO! GELO! NANDITO SI JESSICA!" Sigaw ni Thea. Ugh! Anak naman ng tokwa, bakit kailangan niyang isigaw 'yon? Hanggang ngayon talaga sya pa din ang number 1 fan namin ni Gelo. Kainis.

Kaya naman napalingon si Gelo dito, kumaway at ngumiti. Kaya lang lumingon din dito si Tristan at tumingin sakin kaya umiwas ako ng tingin. Ugh! Thea kasi eh! Tumingin din tuloy 'yong ibang babae.

"Ano ka ba?! Tignan mo, aawayin nanaman ako niyan ni Tristan eh!"

"Eh syempre dapat suportahan mo din naman si Gelo." Tss.

Naghintay na lang kami dito sa pag-start. Nagwa-warm up na sila doon--juice ko, muscles!

Maya-maya pa, nagstart na. Nag-umpisa nang magsigawan lahat ng tao. May mga estudyante nga din pala dito galing sa Uptown University, by the way. Para suportahan sila.

"GO TRISTAN!!" Napatingin naman siya dito at ako naman, hyper na hyper at nakangiti sa kaniya na may kasama pang pagtalon. Ngumiti siya--shet! Ngumiti siya! First time kong magchicheer na boyfriend ko na este--pretend-girlfriend na niya ko.

Bola ng rockheights.

Ang ingay ng crowd! Parang real game at hindi tune up kung makasuporta. Well, ganito naman talaga ang mga fans nila.

"GO TRISTAN! WOOH! GO BABY! GO!" Aba echosera 'tong fangirl na 'to ah! Baby?! What the?

"GO CALEB!" Sigaw naman ni Thea pero may babae mula sa hindi namin malamang side na sumigaw ng..

"GO BABE! CALEB KAYA MO 'YAN!" Kaya naman napatayo siya sa upuan niya para hanapin.

"Hoy. Fangirl 'yon, hayaan mo na."

"I LOVE YOU ARDEN! AKIN KA NA LANG!" Sigaw naman no'ng isa.

Ang wild ng crowd at nag-uumpisa pa lang eh exciting na ang laban.

Napapansin ko naman na medyo masama ang tinginan ni Gelo at Tristan sa isa't-isa o.. ako lang 'yon? Ay ewan! Sabagay, paanong hindi magtitinginan ng masama eh sinapak siya ni Tristan kanina nang hindi niya alam ang dahilan.

Hala, ano kayang inisip ni Gelo no'ng mga oras na 'yon? Nakakahiya!

Natapos ang first quarter sa score na 15-13 lamang ang rockheights.

Magaling din ang Uptown at mukhang hindi talaga magpapatalo. Friendly game lang pero masyadong sineseryoso. Mukha pang mayayabang 'yong mga players, feeling gwapo 'yong iba.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon