Chapter 65 - Relieved
[Jessica's POV]
Sa Rockheights.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tristan. Hindi magandang idea kung dito ko sabihin. Kaya naman nag-volunteer ako na pumunta sa bahay niya mamaya para magluto ng dinner
"Wala ka bang gagawin?" Tanong niya.
"Wala. Bakit, ayaw mo ba na pumunta ko?"
Ngumiti lang siya kaya after ng training nila, nagpunta nga ako sa bahay niya at nagluto ng dinner. Gusto niya daw tumulong kaya kaming dalawa 'yong nagluto.
Ngayon na nalaman ko na 'yong totoo, gumaan na 'yong pakiramdam ko. Naghihintay na lang ako ng tiyempo na sabihin kay Tristan. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano uumpisahan.
Alam kong ayaw niya 'yong pag-usapan pero kailangan niyang malaman 'yong totoo.
"Hm! You should open your own cafe or restaurant someday." Sabi niya.
"We should. Syempre dalawa tayo."
He smiled.
Sabi ko naman kasi sa inyo eh. Hindi kayang gawin ni Tristan 'yong bagay na 'yon. Hindi ang isang kagaya niya.
Pagkatapos naming kumain, habang nililigpit niya 'yong mga tapos nang hugasan, saka ako nagsalita. Nakaupo ako habang nakatalikod naman siya at nagliligpit.
"Tristan?"
"Hm?"
"Magagalit ka ba kapag sinabi kong may nalaman ako tungkol sayo?"
"What?"
Huminga muna ko ng malalim.
"Naaalala mo ba si.. Abegail?"
Napatigil siya saglit sa ginagawa niya pero tinuloy niya din agad nang walang sinasabi.
"Kinwento sakin ni Arden 'yong tungkol sa kaniya. 'Wag kang magalit dahil ako mismo 'yong pumilit na sabihin niya--"
Nagulat ako nang malakas niyang inilapag 'yong mga kutsara at humarap sakin.
"Why do you need to bring that up?" Seryoso niyang tanong.
"Ah? Eh kasi.."
"What the fck. Now what? Nagbago na ba 'yong tingin mo sakin? Lalayo ka na? Sinasabi mo ba 'yan dahil makikipaghiwalay ka na?"
"Ano?--"
"Ano? Nagsisisi ka ba na ako 'yong nagustuhan mo?" Naglakad siya palapit sakin.
"Sandali lang--"
"Tutal nalaman mo naman na, gusto mo bang makita na masama nga talaga kong tao?"
"Ano? Teka lang Tristan--ugh!" Hinawakan niya ko ng mahigpit sa braso at hinila palapit sa kaniya.
"Oo, tama nga 'yong nalaman mo. Anong gagawin mo ngayon?" Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit natatakot ako.
Nakakatakot 'yong mga tingin niya.
"Gusto mong ipakita ko sayo na kaya ko nga talagang gawin 'yon?"
"Ano?! Ugh. Ano bang nangyayari sayo?!--Ahh! Tristan!" Tinulak niya ko sa sofa at pilit na hinalikan.
Pero dahil natatakot ako sa ginagawa niya, pilit ko siyang tinutulak palayo kaya lang, syempre mas malakas siya. "Tristan! Makinig ka nga muna--ugh--ano ba?!"
Naiiyak ako. Bakit niya ginagawa 'to?
Tignan niyo! Tignan niyo 'yong naging epekto sa kaniya ng pangyayaring 'yon!
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...