Chapter 35 - Exposed

53 1 0
                                    

Chapter 35 - Exposed

[Jessica's POV]

"So, everything is just a lie."

Napahinto ako. Ugh. W-wait..

Dahan-dahan akong lumingon at.. sht. Si Ashley.

"Nagpapanggap lang pala, huh?"

Damn! Lagot na.

Napatingin na lang ako sa kaniya nang nanlalaki ang mga mata. Ohmygod.

"So everything is just for show. Contract? So.. you're a fake girlfriend?"

Ugh. Lagot na--ugh ohmy--anong--help!

"H-huh?"

Tinignan niya lang ako na parang 'I know you're lying look.'

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Ugh. Please! Don't act innocent! I heard it!"

"You heard what? Wala naman akong sinasabing gano'n 'no!"

"Talaga?"

Binuksan niya 'yong phone niya na kanina niya pa hawak.

"Kaya naman, sisiguruhin ko na mas pagbutihin pa 'yong trabaho ko. Mag-iingat ako na walang makaalam na nagpapanggap lang tayo. Kapag natapos 'yong kontrata, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin."

"Sige na. Pumasok ka na."

"Ingat."

Ugh. WTH?! Ni-record niya?! May pagka-ninja ba ang babaeng 'to?! Paano niya nagawang--ugh. Ibang klase.

I just looked at her with a shocked expression at siya naman, nagsmirk.

"'Wag mo nang itanggi dahil may ebidensya ko. So nagpapanggap nga lang kayo ni Tristan? Contract? Anong contract? Contract mo na maging pretend-girlfriend niya? Wow Jessica, you're really that low."

Hindi na ko nakapagsalita dahil hindi ko na din alam ang sasabihin ko. Naku, dito na ba matatapos lahat? Ugh. Hindi pwede.

"Oh ano? Hindi ka makapagsalita ngayon? Kasi nabuking ko na 'yong malaking sikreto niyo? Wow, I can't believe this. All this time, niloloko niyo lang kaming lahat?! Bullshit, Jessica. Lahat talaga gagawin mo eh 'no? Well, dito na matatapos 'yang kabaliwan mo. Because I'll make sure, na malalaman 'to ng lahat. And, dahil nagpapanggap lang naman pala kayo, I have a bigger chance na makuha si Tristan." She smirked at naglakad na.

Anong gagawin ko? Isip! Isip! Hindi pwede 'to! Sasakin ko na kaya? Putulin ko 'yong dila para hindi na makapagsalita?

Napatingin ako sa hawak niyang cellphone at agad kong sinubukang agawin pero naiwas niya. Fak.

"Akin na! Akin na 'yan! Ibigay mo! Ashley please--"

"No--"

"Hindi mo pwedeng--ugh--akin na!" Dapat mabura ko 'yon!

"Tama na, Jessica!"

"Akin na--" Tinulak niya ko.

"Ano bang ginagawa mo?! Sa tingin mo ba kapag nabura mo 'to mabubura mo din 'yong katotohanan na nagpapanggap lang kayo?! Na nanloloko kayo ng mga tao?!"

Napatigil ako sa sinabi niyang 'yon. Tama siya. Wala naman talaga kong magagawa tungkol sa bagay na 'yon.

"Kahit na mawala pa 'to, hindi mo na mababago 'yon Jessica. Hindi mapapasayo si Tristan Montevista. You can't do anything about it anymore. Alam ko na, and malalaman na din ng iba." She smirked at umalis na.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon