Chapter 17 - Jelly Khate
[Jessica's POV]
"Bakit? Sa tingin mo ba maaagaw niya ko sayo?"
"Ah.. depende kung magpapaagaw ka."
Natawa siya at yumuko tapos tumingin ulit sakin.
"No." Sabay smile. Oh juice ko! Ano ba namang klaseng nilalang 'to? Nasisilaw ako!
Ngumiti din ako.
"Eh 'yon naman pala eh. Basta, ayoko pa din na masyado mo siyang kausapin. Magfi-feeling lang 'yon na may chance nga na maging close kayo."
"Haha. Jelly Khate."
"Ano?"
"Jelly Khate. Jelly Jelly."
"Ugh. Teka lang ah. Okay, let's differentiate, naiinis to nagseselos. Naiinis ako dahil papansin mo si Ashley. Hindi ako nagseselos na nagpapapansin siya kasi alam ko naman na mas close tayo, period." I smiled.
"Ehem. Excuse me lang ah? Nandito kaya ako? Guys?" Si Arden. Haha ang cute niya do'n!
"Oh how about the two of you? Ano namang napag-usapan niyo?" Tanong naman ni Tristan.
"Ah.. tungkol sayo. Tungkol sa kung gaano kayo kaclose. 'Wag ka mag-alala, wala naman siyang sinabing mga kalokohan mo noon kasi baka daw magalit ka."
Nagtawanan kami.
"Oo nga pala, Tristan. Alam pala ni Arden 'yong tungkol sa..." Huminto ako at naghintay kung nagets niya.
"Yeah."
"Hay! Buti na lang! Nadulas kasi ako kanina eh! Nasabi ko. Naku buti na lang talaga alam niya, kinabahan talaga ko do'n. Whew."
At nagtawanan ulit kami.
After kumain eh bumalik na sila sa pagpaparty. Ako naman, nagpuntang CR para mag-ayos. On my way papuntang CR eh nakita kong nagkakasiyahan si Caleb at Thea.
Biruin mo, naging close na sila agad? Ito namang lola niyo, halatang-halata sa mata na kinikilig! Nakakaloka! Di na ko halos pinansin eh, oh!
Pagkabalik ko, naabutan kong nakapaligid 'yong mga fan girls ni Tristan sa kaniya at pinag-aagawan siya. Gusto yata siyang makasayaw. Aba, talaga naman! When the cat is away the mouse will fckin' play! Anak ng tokwa, mga hindot!
Isa-isa naman silang pinagbigyan ni Tristan at kilig na kilig sila. Wala naman na kong ginawa at tinignan na lang sila.
Wala eh, heartthrob talaga ang isang 'to. Hindi 'yon mapipigilan.
Pero nakakainis pa din. Hay mga 'to! Nakita na nila ko pero wala silang pakialam! Huh!
Nagkatinginan din kami ni Tristan pero iniwas ko din agad 'yong tingin ko at uminom ng champagne. Bongga, may champagne.
"Jess. Selos ka 'no?" Bigla namang dating ni Arden.
"Huh? Hindi ah. Normal lang 'yon kasi, mga fan girls niya 'yon eh. Ikaw? Tapos ka na bang makipagsayaw sa mga fan girls mo?"
"Yeah. Nakakapagod nga eh."
"Grabe, ano kayang feeling na pinagkakaguluhan ka ng lahat? Parang artista. Gano'n ba talaga kahit noon pa? Kahit na kumuha siya ng pretend-girlfriend, parang hindi naman effective?"
"Actually, umepekto naman kahit papa'no. Pero may ilan talaga na hindi magpapapigil eh."
"Oh tignan mo, ang bait niya 'no? Pinagbibigyan niya lahat na makasayaw siya. Kaya sino namang magsasabing mayabang siya?"
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...