Chapter 10 - Half a million dress

72 1 0
                                    

Chapter 10 - Half a million dress

[Jessica's POV]

Dahil pumayag si Tristan na maging date ko sa acquaintance ball, super good vibes ang lola niyo! Syempre naman 'no! Tinry ko lang naman, di ko naman inakala na papayag siya!

Well siguro nga eh para lang maipakita sa mga fangirls niya at tigilan na ang pangungulit sa kaniya pero kahit na, kasam ako pa din naman siya! Huh!

Excited na ko! Juskolord kailangan kong magpaganda! Nakakahiya naman na kasama ko si Tristan tapos ang chaka ko naman, diba? Para akong langaw sa tabi ng magandang bulaklak.

"Okay lang ba talaga sayo?"

"Yeah. Required kang pumunta diba? So, kailangan nandoon din ako dahil kapag wala, magtataka 'yong mga tao." Ah. Oo nga.

"Sorry ah? Di naman talaga kita pinipilit."

"It's okay. I think pupunta din naman sina Arden at 'yong iba pa so.. okay lang din kung nando'n ako."

"Paano kung pagkaguluhan ka?"

"Nando'n ka naman eh. Aawayin mo sila, diba?"

"Ano?! Teka--"

"Joke lang. Ikaw na'ng bahala."

"Ako? Bakit ako? Anong gagawin ko?"

Ngumiti lang siya.

Aba eh baka sabunutan ako ng mga babae do'n! Wala kayang sinasanto mga 'yon 'no!

Bakit parang feeling ko may pinaplano siya? Haha--Ano ka ba, Jessica. Wala 'yan. Ano namang paplanuhin niya? Duh?

Noong napagod na din siya sa kakalakad, nag-aya na siyang umuwi. Ayan, tapos na. Hiniling ko pa naman na pwede bang hindi na matapos 'tong araw na 'to? Chos!

Hinatid na nga niya ko sa bahay at sakto naman na pagkadating namin eh dumating din si Ashley.

"Oh! Hi Sis! Hi Tristan!" Sis?! Wow ah?! At anong pagpapacute 'yan?

Lumapit pa siya at nagbeso pero nagroll eyes siya after.

"Hi! By the way, I'm Ashley. Jessica's sister--"

"Stepsister." Singit ko. Ano bang ginagawa niya?

Nakipagshake hands siya kay Tristan.

"Hi." Sabi naman ni Tristan tapos ngumiti sila.

"Ah.. saan naman kayo nanggaling?"

"Park. I..asked her to go with me."

"Oh. Pasok ka?"

"No, It's okay."

"Hindi, okay lang naman eh."

"Ah.." Tumingin siya sakin.

"May gagawin pa yata siya. 'Wag mo na siyang abalahin."

"Next time na lang siguro." -Tristan

"Oh okay. Sige, ingat."

Naku. Kailangan naming magpanggap sa harap ni Ashley diba? Baka magsuspetya pa siya.

"Sige na Tristan. Thank you kanina ah? Ingat ka pauwi."

"Okay. Thank you din." Nagkatinginan pa kami at nag-aabang kung anong gagawin. Ah.. paano kami magpapaalam sa isa't-isa nang nandito si Ashley?

Naku naman!

Ah! Nagkiss ako sa palad ko at idinampi ko naman 'yong palad ko sa pisngi niya. Okay na ba 'yon? Jusko nakakahiya! Awkward akong ngumiti.

"Ingat!"

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon