Chapter 30 - Okay lang

59 1 0
                                    

Chapter 30 - Okay lang

[Jessica's POV]

Itinayo ako no'ng isa at ambang sasampalin pa nang bigla siyang napatigil dahil may nagsalita.

"Stop!" Si Tristan. Dumating si Tristan.

Binitawan naman ako nitong babae.

Nilingon ko siya saglit at umiwas din ng tingin. Nakakahiya. Ang pangit ko ngayon eh! Ang gulo ng buhok ko at basang-basa pa ko dahil sa ginawa nila. Lukot at basa na din 'yong uniform ko.

"What the hell are you doing? Ganyan ba talaga kayo mag-isip? Sa tingin niyo ba natutuwa ako sa ganyang ugali niyo? You're not even worthy to be called as fans. Alam niyo kung anong mas maganda? Mas mabuti pa kung tigilan niyo na lang din ako at hayaan niyo na lang ako. Tigilan niyo na si Khate. She did nothing wrong to you, girls. Can't you just respect my decision? This isn't all about me, making you feel proud or happy because. This isn't about making me notice you. You want me to notice you this way? This is all about my life and my choices. Stop."

Tumingin siya sakin pero tumakbo na ko palayo.

Iyak pa din ako ng iyak hanggang sa tumigil ako sa lugar dito sa Brennan na walang masyadong tao. Nakakapagod na. Nakakasawa na. Ayoko na.

"Khate." Sinundan ako ni Tristan.

Tumayo siya sa harap ko at naglabas ng panyo. Pinunasan niya 'yong mukha ko na basa ng tubig at luha.

"Are you okay?"

"Okay lang."

"Akin na--"

"Okay lang."

"Khate--"

"Sabi nang okay lang eh!" Tinabig ko 'yong kamay niya kaya nabitawan niya 'yong panyo.

I looked at him at umiiyak pa din ako.

"Okay lang! Kasi pagdating sayo, lagi namang okay lang! Basta ikaw, kahit ano, okay lang! Kahit nga yata sabihin mo sakin na magpasagasa ako sa tren, gagawin ko eh! Kasi gano'n ako katanga pagdating sayo! Gano'n ako katanga, na pumirma ko no'ng kontrata na ang inisip ko lang, basta mapapalapit ako sayo. Hindi ko na naisip na magiging ganito 'yon kahirap! Tiniis ko lahat, pero napapagod na ko! Lahat ginawa ko para sayo, kasi ikaw si Tristan eh!"

Hindi ko din alam kung bakit nagra-rant ako ngayon pero siguro dahil 'yon ang gustong ilabas ng dibdib ko. 'Yon ang gusto sabihin ng bibig ko. 'Yon ang nararamdaman ko ngayon.

"At alam mo kung ano 'yong nakakainis? Ang selfish mo!" Tinulak ko siya sa dibdib. "Kasi lahat naman ng 'to, ginagawa mo lang para sa sarili mo! Para sayo lang! Hindi mo na iniisip 'yong mangyayari do'n sa babaeng magpapanggap na girlfriend mo. Kasi sarili mo lang naman 'yong iniisip mo! At nagte-take advantage ka dahil alam mo na kahit na sinong babae, pwede mong makuha! Ayoko na Tristan. Pagod na ko. Hindi ko na kaya 'yong ganito. Ngayon alam ko na kung bakit walang pretend-girlfriend mo ang nagtagal."

Iyak ako ng iyak ng walang pakialam kung anong itsura ko ngayon sa harap niya. Kailangan ko lang talagang mailabas ngayon lahat ng 'to.

"You know that you can't break up with me, right?"

"'Yan! Kasi nga makasarili ka! Para sa sarili mo lang naman lahat ng 'to!"

"But you signed! Problema ko ba 'yon kung hindi ka nag-iisip? Problema ko ba 'yon kung masyado kang nagpapakatanga? Did I ask you to like me?!"

"Ugh. Ano?"

Nakatitig lang ako sa kaniya.

"Nakita mo na? Makasarili ka. Hindi ko alam na ganitong klaseng Tristan Montevista pala 'yong nagustuhan ko. Hindi pa nga siguro kita kilala. Pero anong magagawa ko? Eh halos sayo na umiikot 'yong mundo ko. Ang tanga-tanga ko." I looked away at nagpunas ng luha tapos tumingin ulit sa kaniya.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon