Chapter 6 - Bitter sa classroom
[Jessica's POV]
"Okay ka lang ba?"
"Hm. Salamat ah."
"My pleasure." He smiled. Bakit ba umaapaw ng nag-gagwapuhang nilalang nag school na 'to?
"Ah.. Jessica? Right?"
"Oo. Pero pwede mo din naman akong tawaging Jessy."
"Okay, Jessy, 'wag mo na lang pansinin. 'Wag mo na ding patulan."
"Pa'no namang hindi eh kung anu-anong sinasabi nila eh hindi naman nila ko kilala."
"Well kasama talaga 'yan sa pagiging girlfriend ni Tristan. Magsasawa din naman 'yang mga 'yan."
"Hm. Salamat Arden." I smiled.
"Nasa'n nga pala si Tristan? Di kayo magkasama?"
"Ah.. hindi ko pa siya nakikita eh."
"Hm. Sa susunod na guluhin ka ulit ng mga 'yon o ng kahit na sinong baliw na fangirls niya, sabihin mo lang sakin. Akong bahala."
"Talaga? Sayo?"
"Oo! Di mo ba alam? Dati akong superhero?"
"Ugh. Hahahaha. Ano?" Ano daw? Hahaha!
"Kidding. Pinapatawa lang kita. I mean, kasi close kami ni Tristan so I think, I have to keep an eye on you kasi paniguradong pagdidiskitahan ka ng mga 'yon. Don't worry, I can also be your friend."
"Talaga?"
"Of course!"
"Okay!" I smiled.
"Teka lang! Bago ka pumasok meron muna kong knock knock."
"Huh?"
"Knock knock."
"Ah.. who's there?"
"May kumaway."
"M-may kumaway.. who?"
"May kumaway downtown walking fast, faces pass and I'm home bound."
"Pfft--hahahahaha!!" Ang mas nakakatawa do'n eh 'yong way ng pagkanta niya haha! Ang cute niya! Haha!
Hindi na ko makahinga at pareho na kaming tumatawa. Eh mababaw lang naman kaligayahan ko eh. LOL.
"Okay na?"
"Ugh--haha. O-okay na." Natatawa pa din ako.
"Pinatawa lang kita. Baka kasi nasira na nga mga 'yon 'yong araw mo eh."
"Hindi ah. Hindi naman ako magpapaapekto sa mga 'yon eh."
"Buti naman." We smiled.
"Hey Khate." Ito na siya! Prince charming talaga!
"Dude!" Nag-fist bump sila.
"Oh don't think weird things ah! Nakita ko kasi na binubully ng mga baliw na fangirls mo si Jessica kaya tinulungan ko."
"Nanaman?"
"Ah eh.. araw-araw na yatang mangyayari sakin 'yon." Biro ko.
"Sigurado ka bang hindi ka nasaktan kanina?" Tanong ni Arden.
"Hindi. Okay lang talaga." Pero actually, masakit 'yong pagkakahila no'ng isa sa braso ko.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong naman ni Tristan.
"Ah wala naman. Ano, kasi--"
"Naabutan kong pinagtutulungan siya ng tatlong fans mo kanina. Hinihila kasi siya at balak pa yatang saktan, buti na lang eksaktong dumaan ako--"
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...