Chapter 20 - First Monthsary
[Jessica's POV]
Pumunta kami sa isang cafe para kumain.
"Treat ko 'to ah? Nanalo kasi kayo sa game."
"There's no need for that."
"Hindi, okay lang. Don't worry, hindi naman gano'n kamahal dito 'no."
"Wait, ginagawa mo ba 'to dahil alam mong meron ka nanamang parusa?"
"Ha?" Oo nga pala! "Hindi 'no! Nakalimutan ko na nga na may nasuway nga pala ko sa rules. Paparusahan mo pa ba talaga ko?"
"Of course. Meron."
"Tristaaan."
"Oh! 'Wag ka nang magpacute. Hindi eepekto sakin 'yan." Nagpout na lang ako.
"'Wag na cayenne pepper ah!"
"Saang.. pagkain ka pa ba may allergy?"
"Bakit?! Ipapakain mo din sakin?!"
"Hahaha. Yeah."
"Ano?!"
"Kidding! Iiwasan ko na 'yon ang iparusa sayo."
"Weh?"
"Yeah. Oo nga. Bakit?" Natatawa niya pang sabi.
"Wala! 'Yon lang. Do'n lang ako allergic."
"Good."
"Ano nanaman bang parusa 'yan?"
"Secret. Pero.. mas madali 'to this time."
"Tsch."
"And hey! By the way, about that guy from earlier.."
"Ah, si Gelo? Ah.. kaibigan ko nga lang 'yon since high school."
"Kaibigan? O baka naman high school sweetheart?"
"Ugh. Kailangan ko pa ba talagang i-explain sayo?"
"Well.. hindi naman talaga. Hindi naman talaga kailangan eh kasi.. wala naman talaga tayong relasyon pero.. kung gusto mong i-explain eh di.. sige." Haha. Ang cute niya! Napangiti tuloy ako.
"Ah.. kasi.. ano.. siya kasi 'yong.. ugh pa'no ko ba sisimulan."
"Maghihintay lang ako dito."
"First love."
"First love?"
"Ah oo.. parang gano'n na nga pero.. hindi kasi naging gano'n kaganda 'yong takbo ng istorya namin kasi.. hanggang do'n lang. Hindi naman naging kami eh."
"Gusto ka din niya?"
"Ah.. noon."
"Noon?"
"Oo, matagal na 'yon. Kumbaga parang ano.. high school thing lang 'yon, gano'n."
"So you like each other?"
"Oo pero.. hanggang doon nga lang. Natapos na ng gano'n. Grumaduate kami ng high school tapos.. ngayon na lang ulit kami nagkita."
"Sigurado ka ba na wala na siyang gusto sayo ngayon?"
"Oo naman! Matagal na 'yon 'no. Kakabreak nga lang no'n sa ex niya eh."
"Eh ikaw?"
"Anong ako?"
"Wala ka na bang gusto sa kaniya?"
"Ugh. Tristan. Wala na. Bakit mo ba tinatanong?"
"Syempre! Pretend-girlfriend kita. Hindi ka pwedeng ma-attach sa iba o ma-attach ang iba sayo if you're still under the contract."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...