Chapter 22 - Pride
[Jessica's POV]
"Hah! Let's just forget about that. We're here to catch up about what happened sa 3 years na hindi tayo nagkita diba?" He smiled kaya napangiti na din ako at tumango.
Ang awkward nga naman kasi na bigla 'yong mapag-usapan.
So ayun, nagkwentuhan na lang kami ng iba pang mga bagay habang kumakain. Nakatatlong girlfriends na pala siya!
"Tatlo?!"
"Oo. Makareact naman 'to, parang ang dami na."
"Tsch. Sabagay, sa itsura mong 'yan eh chick magnet ka talaga."
"But only one girl caught my heart."
"Sino?"
He smiled. "Secret."
"Huh! Ang daya ah!"
"It's for you to find out."
"Bakit ako? Ano 'to problem solving?"
Natawa siya. "Kinda."
"Hay ewan. Kung mahal mo eh bakit pinakawalan mo pa."
Hindi siya sumagot at iniba na lang ang topic.
"Ga'no katagal na kayo ni Tristan?"
"Ah. One month pa lang. Actually first monthsary namin kahapon."
"Ah talaga? Bago pa lang pala?"
"Hm." I smiled.
"Wala ka nang ibang naging boyfriend bukod sa kaniya?"
"Wala."
"Bakit?"
"Ewan. Di ko alam, baka dahil.. hindi naman kasi talaga ko kapansin-pansin?"
"Tsch." Natawa siya. "Lagi mong iniisip 'yan, kahit noon pero ang totoo, kahit saan ka magpunta, mapapansin ka, kahit na ano pang isuot mo. Kahit nga sako lang eh."
"Eh kung magsusuot ako ng sako, mapapansin talaga ko. Sino ba namang hindi pagtitinginan kapag nakasuot ng sako?"
We laughed.
"Wanna ride a bike? Again?" Tanong niya. Umagree naman ako kasi.. memories!
Nag-arkila nga kami ng bike at nagbike paikot sa plaza. Habang naghahabulan at nagtatawanan kami, ang naaalala ko eh yung mga eksena namin dito three years ago. Nakakatuwa.
After no'n, naglakad-lakad na lang kami habang kumakain ng ice cream.
"Favorite mo pa din pala ang green tea flavored ice cream." Sabi niya.
"Favorite natin." We laughed. "May mga bagay naman kasi na hindi nagbabago eh."
"Tulad ng.."
"Tulad ng?"
"Tulad ng.. kung sino ka para sakin."
"Oh! Oh! 'Wag ka nang magsasalita ng ganyan! Baka matunaw nanaman 'tong ice cream sa pagkashock ko sa mga sinasabi mo eh!" Tumwa ulit kami.
"Pero seryoso Jessica, nanghihinayang ako na.. dumating na nga 'yong panahon na nagkita ulit tayo kaya lang.. meron namang.."
"Wala naman tayong binitiwang pangako no'n na hihintayin natin ang isa't-isa.. diba?"
"Kung meron ba.. hihintayin mo ko?"
Natahimik ako saglit.
"Siguro? Baka nga hinintay kita. Kasi.. kilala mo naman ako eh. Kapag nangako ako, tinutupad ko. Diba?"
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...