Chapter 57 - Steps to move on

62 1 0
                                    

Chapter 57 - Steps to move on

[Jessica's POV]

"O-okay ka lang ba?" I asked.

"No." Nagulat ako dahil sumagot siya ng gano'n.

"Oh, ano ba kasing problema?"

Tumahimik nanamn siya at nakatitig lang sakin. After ilang seconds, may kinuha siyang brown envelop at inilapag sa lamesa.

Inilabas niya 'yong papel at iniharap sakin.

'Yong kontrata.

"A-anong.. meron? Bakit?"

"I'll end it here."

"Ugh!"

P-pinunit niya.. ugh.

Hindi ako makapagsalita. Ano bang.. ginagawa niya?

"Your contract is over. Thank you for being my pretend-girlfriend for 3 months, 1 week and 5 days. We no longer need to pretend. Your work here is done." Naiiyak ako! Ano ba 'to?!

"B-bakit?"

"Because I want to end it. I don't think I need to explain myself to you."

"Hindi. Kailangan ko ng dahilan. Bigyan mo ko ng dahilan." Tuluyan nang tumulo 'yong luha ko.

Ilang segundo bago siya nagsalita ulit na seryosong nakatingin sakin. Walang kahit na anong emosyon.

"I just want to."

Umiling ako habang sunod-sunod na 'yong pagpatak ng mga luha ko. Hindi. Ayoko.

"Goodbye."

And in that moment, tuluyan na kong bumigay. Umalis siya at naiwan ako ditong umiiyak.

Ugh. Bakit?

'Yon na? Gano'n na 'yon? Gano'n na lang? Gano'n na lang ba talaga 'yon?!

Ni hindi ako nakatayo para sundan siya. Bakit ko siya susundan? Bakit ko siya pipigilan? Nasa kontrata na siya ang magdedesisyon kung tatapusin na niya.

Pero, ganito ba talaga? Katulad ng mga nakaraang pretend-girlfriends niya, tatapusin niya 'yong kontrata dahil lang sa gusto niya?

Ugh. Aray. Para akong dumaan sa tunay na break-up. Higit pa nga yata sa gano'ng feeling dahil siya si Tristan Montevista.

Sandali lang, hindi ko pa kaya.

Nakakabigla. Hindi ko inaasahan na.. ngayon na matatapos 'yong kontrata.

Iyak ako nang iyak, kahit na hindi naman dapat dahil hindi naman talaga ko girlfriend at kahit na umpisa pa lang, alam ko namang dadating 'yong araw na 'to.

Pa'no na? Ano nang mangyayari pagkatapos nito? Hindi ko na ulit siya malalapitan, hindi ko na ulit siya makakausap. Balik na ba sa pagiging fan na nakatingin lang mula sa malayo?

Tristan, hindi ko matanggap na 'yon lang ang dahilan.

May nagawa ba kong mali? O baka naman dahil nagsawa ka na, na ako ang pretend-girlftiend mo? Masyado na ba kong madaldal? Masyado na ba kong nagingialam?

Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang narealize na sa pwestong 'to, dito ko din pinirmahan noon 'yong kontrata.

Dito din pala matatapos.

Ang tagal ko ding nakatulala lang dito. Nilalapitan na ko ng waiter para kunin 'yong order ko pero di ko siya pinapansin. Mukha namang napansin niyang galing ako sa pag-iyak kaya hinayaan na lang niya ko. Nakakahiya.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon