Chapter 31 - ABSolutely

76 1 0
                                    

Chapter 31 - ABSolutely

[Jessica's POV]

That night, nagdinner kami sa isang restaurant.

"Okay ka na?" Tanong niya.

"Hm. Sorry ulit ah? Sa mga nasabi ko.. hindi ko din alam kung bakit lumabas na lang 'yon sa bibig ko. Siguro dahil nga, nakakaramdam na din ako ng pagod. 'Wag kang mag-alala, okay lang talaga."

"Sorry din sa mga nasabi ko."

"Alam mo, may bagay ako na narealize dahil do'n."

"Hm?"

"Siguro nga, hindi pa talaga kita kilala. Akala ko, nakita ko na lahat ng tungkol sayo, pero hindi pa pala. Okay lang siguro kasi, kailangan pa ng time para mas makilala kita, diba?" Para kasing, napaka-misteryoso ng pagkatao niya.

Nakatingin lang siya sakin.

"Pero ako, kung ano 'yong nakikita mo, 'yon talaga ko. Wala kong tinatago. Maiintindihan ko kung meron kang tinatago sakin. Hindi pa naman tayo gano'n ka-close para ipakita o ikwento mo lahat." Tumango ako. "Okay lang." I smiled.

Kumain na lang ulit ako.

"I'm sorry if being my pretend-girlfriend is hard for you. Sa totoo lang, lahat naman talaga ng naging pretend-girlfriend ko, nahirapan. You know, I'm not an expressive person about how I really feel. I really love what I do pero, dahil sa pagiging introvert ko, hindi ko gusto 'yong atensyon na nakukuha ko. That's why I need someone to stop them. Kapag may pretend-girlfriend ako, kahit papa'no, nababawasan 'yon."

"Kasi sa pretend-girlfriend mo napupunta 'yong atensyon nila. Siya 'yong laging pinapansin at pinagdidiskitahan ng mga fan girls mo, para sayo."

Napatigil siya.

"Para mawala 'yong atensyon ng mga fan girls mo sayo kahit papa'no, kailangan mo ng taong sasalo no'n para sayo. 'Yon ba 'yong gusto mong sabihin?"

Nakatingin lang siya sakin at hindi nagsalita. Tumango naman ako.

"Okay lang. Gaya nga ng sinabi ko, para sayo, kahit ano okay lang." I smiled.

Ngumiti na lang din siya.

Gusto kong malaman kung sino ba talaga si Tristan Montevista. Pero hindi ko alam kung pa'no.

Hinatid na din niya ko sa bahay pagkatapos no'n. Wala si Tita Almira. Whew. Buti na lang dahil lagot nanaman ako do'n--

"Jessica!" Ugh. Ito na nga ba'ng sinasabi ko. Papasok na ko ng kwarto nang marinig ko siyang sumigaw.

Dahan-dahan akong humarap.

"Po?"

"Po? Po?! Nagtatanong ka pa talaga diyan? Oh ano? Si Tristan nanaman? Diba sinabi ko na sayo na makipaghiwalay ka do'n ha?!"

"Ah Tita kasi.. hindi naman po--"

Biglang may tumawag sa phone niya--ugh. Thank you! Kung sino ka man! Kaya naman umalis siya at nakaligtas ako. 

Lumipas ang mga araw. Sa fifth at sixth game nila, nanalo ulit sila. Semi finals na at ilang teams na lang ang natitira. Kasama sa semi finals ang team ni Gelo. Meaning, makakatapat ulit nila ang Rockheights.

Speaking of Gelo, nagulat ako nang isang umaga, nakita ko siya sa gate ng Rockheights.

"Gelo?"

"Jessica! Buti naman! Kanina pa kita hinihintay eh!"

"Ako? Bakit?"

"May ibibigay ako."

"Huh?"

May inabot siya sakin. Ticket? Concert--ugh! Concert ng Diamond! 'Yong favorite band naming dalawa no'ng highschool!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon