Chapter 33 - Allysha
[Jessica's POV]
At sa isang iglap lang, okay na ulit ako. Nakakainis naman kasi, alam niyo namang hindi ko naman talaga kayang tiisin si Tristan diba? Kahit yata barilin ako nito tapos magsorry siya, mapapatawad ko pa din eh.
"Isang taon na din naming pinagtatalunan 'yong tungkol sa bagay na 'yon. Ang sabi ko kung gusto nilang makasama ko, eh di sila na lang 'yong umuwi dito. Ayaw naman nila."
"Pero alam mo kung iisipin, okay naman 'yon eh? Pwede mo namang ituloy do'n 'yong basketball career mo."
"Dito ko gusto. Dito ko gustong magsimula. Saka syempre, mas maganda kung Pilipinas 'yong irerepresent ko, diba?"
Tumango ako.
"Bakit? Sa tono mo parang gusto mo kong paalisin ah?"
"Hindi 'no! Ayoko nga! Kapag umalis ka, pa'no ako--I mean, 'yong mga fans mo? 'Yong Rockheights na malaki ang expectation sayo?"
Tumango siya.
"Yeah. Don't worry, I won't. Magsasawa din sila na pilitin ako."
"Sandali nga lang."
"Hm?"
"Sino ba 'yong babaeng 'yon ha?"
"Huh?"
"'Yong babae sa bar! Inamin mo na din naman kaya 'wag ka nang tumanggi! Sino 'yon?"
"Bakit?" Natatawa niyang tanong.
"Hahanapin ko tapos kakalbuhin ko! Bakit?!"
Natawa siya.
"Oh 'wag kang mag-iimbento ng kwento diyan para lang inisin ako!" Inunahan ko na siya.
"She's just a random girl at the bar."
"Weh?"
"Oo nga! Promise."
"Tsch."
"Hindi ako 'yong lumapit ah! Nananahimik ako do'n tapos siya 'yong nauna."
"Ugh. Talaga lang ah?"
"Oo, bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo?"
"Nagsasabi nga ako ng totoo." Natatawa niyang sabi.
"Eh bakit natatawa ka diyan?"
"Nagseselos ka ba?"
"Oo--ay hindi!" Ugh! Jessica!
Natawa siya. Hay nakakahiya.
"Sa tingin ko, kahit sinong fan girl mo, magseselos." Lusot ko.
Tumango naman siya pero alam kong alam niya na nagpapalusot lang ako.
Pagkabalik ko sa classroom, sinabunutan ako ni Thea nang malaman niyang okay na ulit ako.
"Alam mo para ka talagang ewan. Pagkatapos ka niyang sabihan ng gano'n, mapapatawad mo siya ng gano'n lang kabilis?"
"Pero may dahilan kasi siya! Bad mood siya kahapon kaya siya gano'n. Inintindi ko na lang."
"Ewan ko sayo, pagdating talaga kay Tristan ganyan ka eh."
"Alam mo naman 'yon eh."
"Ni minsan ba, hindi mo naisip na sana totoo na lang kayo?"
"Wow? Mahirap mangarap ng ganyan 'no! Tignan mo nga 'yong nangyari kahapon? Saka hindi, okay lang naman. Hindi ko nga iniisip 'yon 'no. Okay na ko sa ganito."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...