Chapter 64 - Truth
[Jessica's POV]
Kinabukasan, magkausap kami ni Arden sa garden.
"Nakausap mo na?"
"Oo pero.. mukhang hindi siya gano'n kadaling kausap eh. Humihingi siya ng ten thousand para pumayag siyang kausapin ako."
"Ugh? Really?! Kaya naman pala napatahimik din siya ng pera no'n. Gusto mo bang samahan kita?"
"Okay lang sayo?"
"Oo. Kaysa naman ikaw lang mag-isa. Delikado. Baka mamaya kung ano pang gawin sayo no'n eh."
"Sige. Salamat ah?"
"Sus, wala 'yon."
"Alam mo, nawi-weirdohan na ko sayo. Ano bang nangyayari sayo? Parang lagi kang balisa ah." Sabi ni Thea habang nag-aabang kami ng prof.
"Ano namang weird sa ginagawa ko?"
"May maling gamot ka ba na nainom?"
"Hay! Ewan ko sayo. Mang-aasar ka lang eh."
"Ay bukas pala, nag-aaya si Rissa na kumain sa labas. Sama ka?"
"Bakit, anong meron?"
"Birthday niya." Kaklase namin 'yon, by the way.
"Ah! Oo nga pala. Kayo na lang. May lakad ako eh."
"Sa'n ka pupunta?"
"Diyan lang."
"Tsch. May tinatago ka ba sakin?"
"Ano? Ano namang itatago ko?"
"Ewan ko sayo. Bakit ako tinatanong mo?"
"Wala! Nago-over think ka lang! Nakakaloka 'to."
The next day, nagpaalam ako kay Tristan na hindi ako nakakanood ng training nila dahil may kailangan akong gawin. Pumayag naman siya kaya after class, nagpunta kami ni Arden sa isang restaurant sa Cavite na malapit nga sa tinitirhan ni Abegail.
"Sigurado ka bang gusto mo pa siyang kausapin? Ano pa bang gusto mong malaman?"
"Hindi kasi ako mapakali eh. Gusto ko ding marinig mula sa kaniya."
"Ayaw mo bang maniwala sakin?"
"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang din kasing.. malinawan. Hindi kasi ako naniniwala na magagawa ni Tristan 'yon eh."
"Paano kung, marinig mo 'yong bagay na ayaw mong marinig "
Ugh. Hindi ko alam.
Naghintay pa kami ng 30 minutes at hindi ako mapakali. Pinaglalaruan ko na 'yong mga daliri ko at tingin ako nang tingin sa kung saan-saan.
Maya-maya, may lumapit na babae samin.
"Ikaw ba si Jessica?" Tanong niya. Kaya napatayo kaming dalawa ni Arden.
Sandali, may kasama siyang bata na kung titignan, siguro nasa dalawang taon na.
Ugh--sandali. Nago-over think lang ako. Whew, kalma muna.
"Abegail?"
"Ugh. Ikaw nga."
"Ah.. h-hi. Upo ka."
Naupo sila no'ng bata sa harap namin.
May itsura siya pero mukhang stressed at pagod. Mukhang kulang sa tulog at medyo hirap sa buhay. Simpleng T-shirt at pantalon lang 'yong suot niya. Hindi rin maayos 'yong pagkakatali ng buhok niya na medyo kulay brown.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...