Chapter 58 - Can't believe
[Jessica's POV]
The next day, pinilit kong maging positive.
Ngumingiti-ngiti at nagjo-joke pa ko.
"Okay ka na?" Tanong ni Dad. Tumango ako at ngumiti.
"Sige Dad, bye! See you later!" Hinalikan ko siya sa pisngi bago bumaba ng sasakyan.
Huminto muna ko saglit nang marealize kong walang Tristan na sasalubong sakin ngayong umaga. Huminga muna ko ng malalim bago naglakad papasok.
Nang kinwento ko kay Thea 'yong nangyari, wala siyang nasabi. Nakatingin lang siya sakin na gulat at parang nag-aalala.
"Eh diba malinaw naman kasi na matatapos lahat kapag sinabi niya? Hindi ako handa kaya.. umiyak ako ng gano'n. Siguro, tatanggapin ko na lang saka, magmu-move on na ko. Wala naman na kong magagawa eh."
"Ugh. Gano'n kalupit? Walang kahit na anong explanation?"
Umiling ako habang may maliit na pilit na ngiti.
"Eh.. single na ulit tayong dalawa." Tumawa siya at nakitawa na lang ako. "Hayaan mo na! At least naranasan mo kung pa'no makasama ang isang Tristan Montevista diba? At least mas nakilala mo siya kahit papa'no. Sabi nga nila, don't cry because it's over,"
"Smile because it happened." Sabay naming sabi and we laughed.
"Ano bang gusto mong gawin natin? Gusto mo bang pumarty tayo para maging okay ka?"
"Hindi naman kailangan no'n!"
"Alam ko 'yang nararamdaman mo eh. Para ka ding dumaan sa tunay na break up dahil patay na patay ka kay Tristan. So, ano nang gagawin mo ngayon?"
"Step five."
"Step five?"
"Iiwasan siya. Tulungan mo ko. Kailangan hindi ko na muna siya makita. Kapag nandiyan siya, i-warn mo ko ha, para pipikit ako."
"Ugh. Baliw." Natawa siya. "Pero sige, sabi mo eh."
"Alam kong mahirap pero, dapat magawa ko."
"Alam mo, hindi mo deserve 'yan eh. 'Yong ma-take for granted ka dahil alam niya na gustong gusto mo siya? Very wrong. Oh ngayon alam mo na kung anong tawag sa nangyari sayo?"
"Ano?"
"Taken."
"Taken?"
"Taken for granted."
Nakatingin lang ako sa kaniya dahil narealize kong tama nga siya.
"Kung.. wala siyang balak na magseryoso sa isang relationship, ano pang maaasahan mo sa kaniya? Humanap ka na lang ng ibang lalaki na mamahalin ka ng totoo, hindi 'yong nagpapanggap lang. Kahit siya pa si Tristan Montevista, 'yong dream guy mo, o kahit na sino pang model sa buong mundo, walang karapatan na saktan 'yang puso mo. Tandaan mo 'yan. Walang kahit na sino." Saan naman niya hinugot 'yon? "Sinabi ko din 'yan sa sarili ko eh. Tignan mo, effective kapag inabsorb mo."
I smiled. Buti na lang talaga nandiyan si Thea.
Step three and four: Checked.
"Oh halika dito." She hugged me. "You deserve so much better, Jessy. Much better than being just a pretend-girlfriend."
"Actually tinanggal ko na din lahat ng pictures niya."
"Sa room mo?! Wow. It takes a lot of courage para magawa 'yon ng isang fangirl."
I smiled.
"Am I doing great?"
"Of course! Dati nga ayaw na ayaw mong ipapahawak 'yong mga 'yon kahit sakin eh!" We laughed.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...