Chapter 54 - Dad meets Tristan
[Jessica's POV]
Kinabukasan, si Dad ang nag hatid samin ni Ashley sa Rockheights.
Pagka-alis na pagka-alis ni Dad, nagmaldita nanaman si Ashley.
"Looks like you can do anything you want dahil alam mong may kakampi sayo ngayon."
"Kailan ka ba titigil sa mga side comments mo? Eh ikaw? Hindi ka makaporma ngayon dahil nandito si Dad. Tsch." Iniwan ko na siya do'n. Huh!
"Bad timing naman ng pag-uwi ni Tito Leo. Kung kailan naman nag-eenjoy ka kasama si Tristan eh." Sabi ni Thea habang kumakain ng chocolate dito sa loob ng classroom.
"Tsch. Ayos lang. Nakakahiya naman kung do'n na ko titira 'no. Ay oo nga pala, may dinner party mamaya sa bahay. Punta ka ah?"
"Para sa'n?"
"Ewan ko kay Dad. Sabi niya, to catch up with his friends daw."
"Pupunta si Tristan?"
"Nako, pinapapunta niya dahil gusto na daw niyang makilala."
"Ay bongga! Ii-introduce mo na kay Tito Leo! Pero, pa'no kung umeksena si Ashley at sabihin niya 'yong totoo?"
"Ugh. 'Yon na nga eh. Pero, kami nang bahala ni Tristan do'n."
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa kaniya 'yong totoo? Na hindi naman talaga kayo--"
"Eh.. magagalit kasi siya eh. Sigurado ako do'n. Saka, baka 'oab nalaman niya, patigilin niya kami ni Tristan."
"Naku, malaki talaga ang chance na magsumbong si Ashley. Eh 'yon ang gusto niyang mangyati diba?"
"Nag-aalala nga ako. Kilala ko 'yon eh."
"Sandali nga, may sakit ka ba? Namumutla ka."
"Huh?"
"Kahit naka-lipstick ka, kita naman sa mata mo. Patingin nga ng kamay mo!" Tinignan niya 'yong palad ko. "Oh! May dugo ka pa ba?"
"Grabe ka naman!"
"Jessy, baka nakakalimutan mong--"
Pumasok na si Ma'am kaya natapos na din agad ang sermon niya. Buti naman.
During lunch,
"What?" Nagulat si Tristan nang sabihin kong pumunta siya sa bahay mamaya dahil gusto siyang makilala ni Dad.
"Eh,. Sabi niya kasi. Okay lang ba sayo? Kung meron kang gagawin, okay lang. Sasabihin ko, next time na lang."
"No. It's fine, sige."
I smiled. "Okay. 7PM."
"But.. what should I wear? Is it formal? What should I say? What if he ask me questions?"
Natawa ko. Mukha kasing kinakabahan siya. Haha!
"Casual lang. Don't be nervous, mabait 'yon si Dad."
"It's my first time na i-introduce sa.. ugh--I'm sorry." I smiled. Ang cute niya! Hahaha!
"Nakakahiya nga din na.. gagawin natin 'yon. Eh kasi diba.. hay. Nakokonsensya ko na niloloko ko si Dad."
"Eh bakit ba kasi hindi niyo na lang totohanin para wala nang problema?" Biglang sabi ni Thea kaya napatingin kami sa kaniya. Babaeng 'to talaga! Nakakaloka!
Nagkatinginan kami ni Tristan at sabay na yumuko at nag-clear throat tapos kumain na lang. Hmm, medyo awkward 'yon.
Pagkauwi ko sa bahay, naabutan kong busy ang lahat. May mga lamesa sa garden at nagpalagay pa ng mga ilaw. Busy na din sa pagluluto sina Manang Fe. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang nagpa-cater.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...