Chapter 50 - Blessing in disguise

74 2 0
                                    

Chapter 50 - Blessing in disguise

[Jesisica's POV]

Huminto kami at bumaba na. Sandali nga lang.. bahay niya ba 'to?

"This is where I live. You can stay here hanggang hindi ka pinapayagang makauwi ng stepmom mo."

Nanlaki 'yong mga mata ko at napatingin sa kaniya. Wait--hindi ko--ohmyghad!

"Oh why are you looking at me like that? What?"

"Ah.."

Kinuha na niya 'yong mga gamit ko at nagalakad papasok. Ahh.. wait. 'Yong blood vessels ko ayaw kumalma.

Sinundan ko na lang siya. Huminto siya do'n sa labas ng pinto at inilapag din 'yong mga bag.

"Sandali lang. Ipa-park ko lang 'yong sasakyan."

Binuksan niyo 'yong gate at ipinark sa loob 'yong sasakyan tapos isinara na ulit 'yong gate, syempre. Naglakad na siya palapit at binuksan 'yong pinto. Siya pa 'yong nagdala ng mga gamit sa loob.

Ooh. Ang ganda ah.

"D-dito ba talaga ko tutuloy?"

"Pansamantala lang naman diba? Saka kung hindi, eh saan? Balak mo talagang matulog sa kalsada?"

I just looked at him.

"I'll show you your room." Hindi na ko nagsalita pa at sumunod na lang sa kaniya.

Umakyat kami sa second floor at binuksan niya 'yong isang kwarto.

"You can use this room. This is Ate Christine's. Do'n lang ako sa kabila."

"Ah.. s-sige. Salamat." Oops. Biglang tumunog 'yong tiyan ko. Di pa nga pala ko naghahapunan.

Nagkatinginan kami ni Tristan.

"Ano 'yon? Sa'n galing 'yong tunog na 'yon?" Pagpapanggap ko. Tapos tumunog nanaman siya. Ugh. "Hala? Narinig mo? May multo ba dito?"

Natawa naman siya. Ugh! Nakakahiya! Nakakahiya naman kasing humingi ng pagkain eh!

"Hindi ka pa naghapunan?"

"Ah.." Tumunog nanaman kaya napahawak ako sa tiyan ko at pumikit sa hiya.

"May inorder akong chicken, meron pa do'n. Tara, kumain ka na muna." At dahil do'n, napangiti ako. Yes!

Nagpunta kami sa kusina at para akong pulubing gutom na gutom.

"Bakit hindi ka pa kumain?"

"Ah.. eh kasi nga pag-uwi ko, pinalayas niya na ko kaya.. ugh. Pasensya na ah? Naabala pa tuloy kita."

"No. It's okay."

"Sa'n ka nga pala nagpunta kanina?"

"Ah. Galing dito si Hany, dinalaw ako. Tapos, hinatid ko na din sa kanila."

"Ahh. Kung gano'n, sabay kayong kumain ng dinner."

"Hm."

Nag-clear muna ko ng throat bago nagsalita ulit.

"Hindi ka na ba galit?"

"Pa'no pa tutuloy 'yong galit ko, kung ganyan 'yong lagay mo? Sa tingin mo ba hahayaan na lang kitang magpa-galagala do'n?"

I smiled.

"Thank you. Saka, sorry sa nangyari. Na-excite kasi ako dahil paboritong banda namin 'yon ni Gelo since highschool kaya nakalimutan ko nang sabihin sayo. Saka, hindi naman na maghihinala 'yong mga fans mo kasi.. mukhang okay naman na sila ngayon."

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon