Chapter 67 - Check up
[Jessica's POV]
Nagpatuloy na kami sa paglilinis pero nauwi lang din sa kulitan.
Lalo kasi siyang nagkakalat dahil pinupunit niya 'yong lumang libro at ibinabato sakin. At dahil sinakyan ko 'yong trip niya, ginaya ko din siya.
Kaya ayun, nagkalat lang lalo. Kaloka!
Ang gulo na din ng buhok ko at pawisan na ko sa paglilinis na dinagdagan pa ng kakulitan.
"Tristan--ah! Masakit 'yon ah! Lika dito--hoy 'wag kang tumakbo--ugh! Hahaha!" Balak niyang tumakas kaya nadulas siya sa mga kalat. Haha!
Nilapitan ko naman agad at tinulungan sa pagtayo.
"Akala ko ba maglilinis? Eh nagkakalat lang lalo eh."
We laughed at napatigil nang may nagdoor bell.
Nagkatinginan pa kami. Sino naman kaya 'to?
"Iniwan mo nanamang bukas 'yong gate?" Nagkibit balikat lang siya. "Ako na."
Binuksan ko na 'yong pinto at..
"Who are you? Where's Tristan?"
Nagdiretso silang dalawa sa pagpasok.
"Tristan?" Sigaw no'ng isa.
Sino ba sila?
"Ugh? Ma?! Ate?!"
What?!
OMG! Nakakahiya! 'Yong ayos ko.. ganito.. tapos.. omg? Mom at Ate niya, nandito?!
Napatingin ako sa itsura ko at agad-agad na nag-ayos ng buhok.
Nakakahiya! Baka kung anong isipin nila!
"You're.. back?" Nagtatakang tanong ni Tristan.
"Can't you tell? Yes! Naku! Ang laki laki na ng Tristan ko! Ang gwapo gwapo pa din! Halika nga! Namiss talaga kita!" Sabi ng Mommy niya at niyakap siya.
Wow, ang ganda ng Mommy at Ate niya ah!
"How are you?" Tanong no'ng Ate niya.
"I'm fine but.. bakit hindi niyo naman sinabi sakin na uuwi kayo?"
Nagtinginan sila at sabay na nagsabing, "Surprise!"
"Bakit ang daming kalat?" His Ate asked.
"Ah.. nahlilinis kami."
"Kayo? Oh. By the way, who's that girl?" Tanong naman ng Mommy niya kaya napalunok ako bigla. She looks intimidating. Mukhang masungit.
Tumingin dito si Tristan at nilapitan ako.
"Bakit nakatayo ka lang diyan?" Hinila niya ko papunta sa harap nila at hinawakan sa kamay.
"She's Khate, mh girlfriend."
Na-shock silang dalawa at tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Ah.. pangit lang po talaga 'yong itsura ko ngayon pero hindi naman po talaga ko ganito. Wrong timing naman kasi eh.
After ilang seconds, ngumiti sila at sabay na nagsabing, "Really? Ohmygod!"
"Finally!" Excited na sabi ng Mom niya at hinila ako palapit sa kanila. "Finally may pinakilala ka ding girlfriend mo!"
"Ah.. hello po. Good morning. Pasensya na po kayo sa ayos ko ah? Naglilinis po kasi kami ni Tristan ng bahay."
"No, it's okay! You're stil pretty!" Sabi naman ng ate and we smiled.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...