Chapter 2 - I'm hired?

132 4 2
                                    

Chapter 2 - I'm hired?

[Jessica's POV]

Habang nag-aayos ako para pumasok, napansin ko na nagkapasa ako sa braso at binti dahil sa nangyari kagabi.

Madalas na ganito ang eksena dito. Sabi ko naman sa inyo diba? Muntik na kong maging si Cinderella.

Tahimik kaming nag-almusal, walang nagsasalita kaya ang awkward sa pakiramdam. Hanggang sa matapos kami. Pinahatid na kami sa driver at hanggang sa sasakyan, wala din kaming kibuan ni Ashley.

Dahil sa kaniya, hindi ako nakapagreview! Bahala na mamaya. Makikibasa na lang ako ng notes ni Thea.

Hindi ko na siya pipilitin na mag-sorry dahil alam kong hindi niya gagawin at wala siyang balak na gawin.

Pagkarating ko sa classroom at pagkakita sakin ni Thea, napansin niya agad 'yong pasa sa braso ko. Paano niya nakita agad 'yon? Bilis ah!

"Oh napano nanaman 'yan?"

"Ah, tumama sa lamesa. Natisod kasi ako."

"Talaga lang ah?" Tumingin siya sa tuhod ko at nakita niya din 'yong pasa ko do'n.

"Alam ko 'pag nagsisinungaling ka, Jessy."

"Wala nga lang 'to, wag mo nang pansinin."

"Aminin mo, 'yong stepmom mong demonyita at 'yong anak niyang pinaglihi sa sama ng loob nanaman ang may gawa nito sayo, ano?"

Ngumiti na lang ako.

"Tignan mo na! Bakit ba kasi ayaw mong isumbong sa Daddy mo kung anong ginagawa nila sayo?! Saka, bakit hindi ka lumaban?!" Ayan nanaman siya sa pagsesermon niya sakin.

"Hayaan mo na nga 'yon! Pahiram ako ng notes sa humanities. Hindi pa ko nakakapagreview eh."

"Ano? Bakit?"

"Ah, kinuha kasi ni Ashley 'yong notes ko tapos nabasa kaya, tinapon niya sa basurahan."

"Ano?! Anak ng tinapa naman, Jessica! Nasa'n 'yang atribida mong stepsister at kakatayin ko! Babalatan ko ng buhay!" Balak na niyang sumugod palabas mg classroom pero pinigilan ko lang. War freak talaga 'tong bestfriend ko eh. May button ka lang na pipindutin at mabi-beastmode na. LOL.

"Thea! Ano ka ba."

"Alam mo, kumukulo talaga 'yong dugo ko sa babaeng 'yon eh. Bakit ba tinitiis mo pa?"

"Ayokong mas lumaki pa kapag pinarating ko pa kay Daddy."

"Hay eh kung ikaw kaya 'tong balatan ko diyan ng buhay?"

"Tama na 'yan, peram na ko ng notes baka wala pa kong maisagot niyan mamaya sa quiz eh."

Kumalma na din siya at nagreview na lang ako. Buti na lang pumasok agad sa utak ko at nakapagsagot naman ako sa quiz.

Vacant namin. Naglalakad kami sa hallway nang maraming dalang mga libro dahil inutusan kami ni Ms. Vicky na dalhin 'to sa table niya nang biglang--

"Ah!"

"Ay sorry!"

May lalaking nagmamadali at nabangga ako kaya naman nahulog 'yong mga dala kong libro. Tinulungan naman niya ko sa pagpulot--Ay palaka! Si Arden pala! 'Yong teammate ni Tristan!

"Sorry, miss. Hindi kasi ako nakatingin sa daan."

"Ayos lang. Hindi din naman ako tumingin sa dinadaanan ko eh."

"Okay na?"

"Ah, oo salamat."

"Sorry. Nagmamadali kasi ako, bye!" Ngumiti siya at tumakbo na palayo. Anong nangyayari do'n?

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon