Chapter 62 - Past

83 2 0
                                    

Chapter 62 - Past

[Jessica's POV]

Days had passed. Everything's doing fine.

"Parang pumapayat ka?" Sabi ni Thea.

"Hm?"

"Hindi ka kasi kumakain ng maayos eh!"

"Eh kahit na gustuhin ko namang kumain ng marami, hindi ko din naman magawa."

"Promise, pumapayat ka talaga."

"Kapag ayos na 'yong pakiramdam ko, makakabalik din naman ako sa dati."

"Oo nga, pala. Report niyo na bukas diba?"

"Hm. After class nga, tatapusin namin 'yon sa library."

"Hay grabe! Ang dami naman kasing ginagawa! May projects pa! Malapit na mag-sembreak eh!"

"Oh, tapos malapit na rin 'yong finals."

"Stress--teka. Baka naman kaya ka pumapayat kasi stressed ka?"

"Ako? Ah.. wala namang gano'n kasi.. nandiyan naman si Tristan kaya nawawala 'yong stress ko."

"Tsch."

During lunch,

"Manonood ka ba ng training mamaya?" Tanong ni Tristan.

"Ah.. hindi ko alam kung makakahabol ako. Tatapusin kasi namin 'yong report para bukas. Pero pagkatapos, pupuntahan kita."

"Oh. Okay."

"Okay lang ba?"

"Of course. 'Yon naman talaga 'yong dapat unahin 'no."

"Ikaw ba, nag-aaral ka pa o puro basketball na lang inaatupag mo?"

"Tsch. Di mo lang nakikita! Kanina nga ako highest sa quiz eh."

"Weh?"

"Oo nga! Oh ito." Kinuha niya pa sa bag niya 'yong papel at ipinakita sakin. "Oh! See?"

"Wow! Oo na, sige. Naniniwala na."

Natawa siya ng mahina at ibinalik na sa bag niya 'yong papel.

"Gano'n talaga 'pag inspired."

Nginusuan ko lang.

"Ikaw? Nag-aaral ka pa ba o ako na lang 'yong inaatupag mo?"

"Ugh?"

Natawa lang siya do'n. Nakakaloka ang kuya niyo!

So ayun na nga, mga 5PM na kami natapos so diretso agad ako sa gym. Nakita ko na nakaupo lang sa bench si Arden at nanood lang kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka nagtitraining?"

Ipinakita niya sakin 'yong sugat niya sa tuhod.

"Ugh! Anong nangyari?!" Nanghina 'yong tuhod ko. Aw!

"Sumemplang ako sa motor kahapon eh. Ayan, di ako makalakad ng ayos kaya pinaliban muna ko ni Coach sa training."

"Tsch. Alam mo nang dapat mag-ingat dahil athlete ka tapos.."

"Haha! Pinaglitan na nga ako ni Coach, papagalitan mo din ako?"

"Aba dapat lang talagang pagalitan. Kasalanan mo din 'yan eh."

"Ako na nga 'tong nasaktan, ako pa din 'yong pagagalitan?"

"Eh bakit, sino? Tsch."

"Joke lang! Ito naman! Ganyan ka din ba kay Tristan ha?"

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon