Chapter 82 - Happy Birthday

91 1 0
                                    

Chapter 82 - Happy Birthday

[Jessica's POV]

Kinabukasan, nagising ako dahil tumatawag si Tristan sa phone ko.

"Hm? Good morning--"

"Happy Birthday, Khate. I love you."

"Ugh. Thank you. I love you too." I smiled.

"Anong ready eh kakagising ko palang? Saka, bakit? Para saan?"

"Labas ka."

"Ano?"

"Basta lumabas ka ng unit mo."

"Ano ba, hindi pa ko nag-aayos--"

"Dali na. Ayos lang naman sakin kahit mukha kang gusgusin 'no."

"Tsch. Okay okay."

Tumayo at ko at pagkabukas ko ng pinto, wala na an siya do'n. May box at paper bag lang sa lapag.

"Oh."

"Nakita mo na?"

"Galing ba sayo 'to?"

"Kanino pa ba? Tignan mo."

Pumasok ako sa loob, inilapag ko 'yong phone ko ay ni-loud speaker tapos tinignan ko 'yong laman.

Dress na color mist colored at heels na nude. Napangiti ako at ipinatong sakin 'yong damit habang nakatingin sa salamin.

"Wow."

"You like it?"

"Oo naman!"

"Wear that for tonight."

"Huh?"

"Surprise."

"Tsch. Okay." I smiled.

"Labas ka ulit."

"Nanaman? Bakit? Ano nanaman 'yon?"

"Dali na. Labas ka ulit, dali."

"Hay. Ano ba'ng trip mo?" Kinuha ko 'yong phone ko at binuksan nga 'yong pinto--

"Good morning, beautiful." Bati niya sakin with his wide attractive smile. Ohmy.

"Ugh--" Napatakip ako ng mukha. "N-nakakahiya, hindi pa ko naghihilamos--"

"Ilang beses na kitang nakitang bagong gising 'no. Don't worry, kahit na puro uling 'yang mukha mo, maganda ka pa rin naman." Ngumiti siya at binaba 'yong kamay ko.

"Ano ba'ng ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"

Iniangat niya 'ying kamay niya. May dala siyang mga paper bags. I just looked at him.

"I'll cook your breakfast today." He smiled. "So, can I come in?"

"Oh.. s-sige." Ginulo niya ko at ngumiti baho pumasok.

Napangiti din ako syempre tapos sinara na 'yong pinto.

Dumiretso kami sa kusina.

"Ah.. sandali lang ah? Mag-aayos lang muna ko."

"Go on. Ako na'ng bahala dito."

Nag-ayos na nga ako at bumalik din doon agad.

"Tapos na? Ang bilis naman." Tanong niya.

"Mabilis ba 'yong 15 minutes? Ano ba 'yang niluluto mo?"

"Hmm.. secret. Sit back and relax. I'll prepare everything for you."

Naupo lang ako at pinanood siyang magluto. Minsan titingin siya sakin at magngingitian kami.

Hm! Amoy bacon!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon