Chapter 47 - Lighthouse

59 2 0
                                    

Chapter 47 - Lighthouse

[Jessica's POV]

Naupo kami para manood ng sunset.

"Alam mo, matagal ko nang pangarap 'to eh, 'yong parang sa mga teleserye? Tapos, ikaw pa 'yong kasama ko." Nakangiti kong sabi.

"It is actually my first time doing this.. with someone." Napatingin ako sa kaniya. Tumingin din siya sakin at ngumiti. Nasisinagan pa siya ng palubog na araw at para siyang dashing prince charming. Grabe. "And it's.. with you."

Nakatingin lang kami sa isa't isa at nakangiti. Napakabait ko bang tao para mangyari sakin 'to?

Mali ba na hilingin kong sana, hindi na matapos 'to? Sana lagi na lang siyang nandiyan sa tabi ko.

"Tutunawin mo ba ko?" Sabi niya.

"Ako 'tong matutunaw dahil sayo mo eh. Sabi ko naman sayo, 'wag mo kong titignan ng ganyan diba? Mahina nga kasi 'yong puso ko pagdating sayo."

He smiled.

"Then don't look at me the same way."

"Wow, mahirap 'yon 'no! Eh parang sinasabi ng bawat tingin ko sayo na, gustong-gustong-gustong-gusto talaga kita, Tristan Montevista." I smiled. "Siguro nga, mahal na kita eh. Ugh. Nakakahiya. Ang weird na babae ang nagco-confess ng feelings diba? Ha-ha!" I faked a laugh.

Di ko alam kung bakit bigla akong nag-confess. Nadala din siguro ng ambience. Pero, di pa ba obvious 'yon?

I looked away. Bigla akong nahiya dahil sa sinabi ko.

"Pero ayos lang sakin kung hindi 'yon masusuklian. Kasi, tanggap ko naman na hanggang dito lang talaga. Hindi ako mage-expect ng kahit na ano. Hindi kita tatanungin, hindi kita pipilitin. Masaya naman ako eh, basta nandiyan ka, okay ako." I looked at him. "Promise." And smiled.

Nakangiti lang akong nakatingin sa kaniya at nagulat ako nang hawakan niya ko sa pisngi at.. halikan sa mga labi.

Ugh--ano bang.. klaseng panaginip 'to?

Bumalik na kami sa resthouse at kinagabihan nga pagkatapos naming kumain ng dinner, nag-form kami ng circle para sa bonfire. May nagdala din ng gitara at nagkakantahan kami.

Wow, ngayon ko lang naexperience 'to, masaya pala talaga at nakakarelax.

Naiilang tuloy ako ngayon kay Tristan dahil sa nangyari kanina. Pangiti-ngiti lang ako pero hindi makatingin sa kaniya. Naririnig ko din na mahina siyang kumakanta kasabay ng iba.

Hindi ko din nakayanan at nagnakaw na ako ng tingin sa kaniya. Wow grabe, naiilawan pa siya ng apoy habang nakangiti siya. Ay mas lalalim la ba sa pagkakahulog ko sa taong 'to?

Nagkakasiyahan lang kami hanggang sa mauwi sa horror stories ang kwentuhan.

Tahimik lang ako at nililibang ang sarili sa pagkanta sa utak ko para hindi marinig 'yong pinag-uusapan nila. Nahalata siguro ni Tristan na natatakot na ko kaya siya na mismo 'yong nagtakip ng tenga ko. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti lang siya. Ano bahsgtfd?! Jusko!

"Aah!" Oops.

Biglang may lumagabog kaya napayakap ako sa kaniya. Uy hindi ako nananantsing ah! Nagulat lang talaga ko! Tiningala ko siya tapos umayos din ako agad ng upo.

Inihagis pala no'ng isa nilang team member 'yong kaldero na nasa gilid. Hay nako ah!

Natapos ang pagtitrip nila at pumasok na kaming kahat sa resthouse para magpahinga. Magha-hatinggabi na din at malamig na sa labas.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon