Chapter 18 - High school sweetheart
[Jessica's POV]
Tapos na ang acquaintance party at may klase na ulit pero hindi pa din ako maka-get over sa mga kaganapan. Lutang pa din ang lola niyo!
Grabe, para naman kasing fairytale 'yong gabing 'yon.
Pero kagaya sa Cinderella, may katapusan din ang gabing 'yon. Balik na ko sa pagiging simpleng si Jessica pero siya.. siya pa din ang prince charming kahit hindi siya naka-suit.
"Hoy!"
"Ay palakang dilaw--Thea!"
"Kanina pa kasi kita kinakausap! Ano nanaman bang iniisip mo? 'Yong acquaintance party nanaman? Binabalik-balikan mo talaga eh 'no? Feel na feel mo naman?"
"Oo naman! Eh ang magical kaya ng gabing 'yon! Babalik-balikan ko talaga. Minsan lang eh! Baka nga hindi na maulit eh kaya pagbigyan mo na ko! Eh ikaw din naman 'no! Tignan mo nga! Ano 'yan, bakit naka-red lipstick ka? Nagpapaganda ka? Nag-aayos ka para kay Caleb?"
"Ah.. kinda--"
"Kinda? I kinda wanna slap you."
Ngumiti lang siya.
"Eh no'ng gabing 'yon nga halos di mo na ko kausapin eh. Kayong dalawa na lang ni Caleb 'yong magkasama buong gabi. Hinahanap kita, tapos kapag nakikita kita, lagi naman kayong magkadikit."
Kinuha niya 'yong kamay ko at idinikit sa dibdib niya na ikinagulat ko.
"Pakiramdaman mo. Ano? Nararamdaman mo? Ang sabi niya.. Caleb.. Caleb.. Caleb.." Hinila ko 'yong kamay ko at binatukan siya.
"Gaga! Sana pinarinig mo, hindi pinaramdam. Mararamdaman ba 'yon?"
"Pero seryoso Jessy, ngayon ko lang naramdaman 'to. Alam mo 'yan dahil matagal na tayong magkaibigan. Bakit gano'n?"
"Hay naku Thea, sa tingin ko, wala pa naman do'n sa stage na mahal mo na siya. Siguro nasa matinding affection stage lang. Kailangan niyo pang mas makilala 'yong isa't-isa. Saka syempre ako, kailangan ko ding masiguro--"
"Oo na, oo na. Ayan ka nanaman eh. Porket... nakita ko 'yong yakap scene niyo no'ng party?" Kinikilig niyang sabi na may kasama pang pagkiliti sakin.
"Ugh! Ano ba, tumigil ka nga!" Pabebe ko namang sagot. Hehe.
"Iih! Aminin mo! Aminin mo na! 'Yong kilig mo, mula ulo hanggang paa. Tapos pagkauwi mo, hindi ka makatulog dahil iniisip mo pa din."
"Actually hanggang ngayon nga eh."
Nagkilitian kami at nagtawanan tapos nagkwento pa siya ng mga eksena nila ni Caleb.
"Hay nako sigurado ako na marami nanamang inggit na inggit sayo kaya maghanda ka na sa batas ng mga api."
"Sakin nga lang ba? Eh baka pati sayo. Hindi mo ba nakita 'yong tingin ng mga babae sayo that night?"
"Okay. Tayong dalawa na. Sabi ko nga eh. All for one, one for all." Sabi niya then we smiled.
During entrepreneurship management class, inutusan ako ni Ma'am Gallantes na kunin sa table niya sa faculty 'yong mga papers na ipapamigay niya sa klase.
Pagkalabas ko ng faculty room, may pamilyar na boses na tumawag sakin.
"Jessica?"
So syempre, dahil may tumawag sakin, lumingon ako.
"Oh! Jessica!"
Ohmygod!
"Gelo!"
Naglapit agad kami at nagyakap ng very light.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...