Chapter 3 - Luckiest girl alive
[Jessica's POV]
"You're hired."
"Huh?" Napadilat ako. Bubulong lang pala siya! Umasa ako do'n ah!
Lumayo siya at nagsmirk. Ugh grabe hindi na yata kaya ng puso ko 'to!
Teka lang, kinausap niya ko? Kinausap niya ko!!
Tumalikod na siya.
"T-teka! A-anong ibig sabihin no'n?" Humarap ulit siya. Mukhang nakalimutan din niyang i-explain.
Kinuha nia 'yong phone niya at inabot sakin.
"Your number."
"Huh?"
Tinignan niya lang ako.
"Ah. O-okay." Kinuha ko na lang at tinype 'yong number ko. Wait, nangyayari ba talaga 'to? In fairness, ang haba ng panaginip na 'to ah.
Ibinigay ko na sa kaniya at sinave niya nang hindi tinatanong 'yong panagalan ko.
"Answer your phone when I call you."
"Huh?" Hindi na siya sumagot at naglakad na palayo.
"Wait! Tristan!"
Ano 'yon?
Nang makalayo na siya, nagtatalon ako at sumutok sa hangin sa tuwa. Wooh! Pinansin niya ko! Kinausap niya ko!
"Yes! Wooh!--Ah! Aray!" Nasuntok ko 'yong pader. Aray!--Wait. Masakit? Hindi 'to panaginip?
"Ah.. haha! Hindi 'to panaginip! Hindi ako nananaginip! Woohoo! Yes! JessTan is real! Yeah!"
Pero after kong magpakasaya, tulala akong naglakad papuntang classroom dahil pilit ko pa ding iniisip 'yong sinabi niya kanina. May mga naririnig akong nag-uusap kapag dumadaan ako na hindi daw kami bagay ni Tristan, sa kanila daw si Tristan at walang pwedeng umagaw. Naku dahil sa nangyari, nakilala ako bigla ng mga babae dito at ako na yata ang most hated girl sa Rockheights.
Pagkapasok ko ng classroom, ramdam ko ang mga matatalim na tingin ng mga babae kong classmates na fangirl ni Tristan. Agad naman akong hinila ni Thea.
"Ano 'yon? Anong nangyari? Kailan pa kayo naging close?"
"Ah.. h-hindi ko din alam kung anong nangyari. Hindi nga ako makapaniwala eh akala ko nananaginip lang ako. Thea, pinansin niya ko, kinausap na niya ko!"
"Alam mo bang ang nangyari kanina na ang hot topic ngayon dito sa Rockheights?! Instant star ka bigla! Biruin mo ba naman kasing, pinakilala ka ng isang Tristan Montevista bilang girlfriend niya?! Ikaw na!"
"Ah.. hehe. Ano bang.."
"Anong sinabi niya?"
"Ah.. I'm hired? Sabi niya, I'm hired."
"You're hired?"
"Hm."
"Ano namang ibig sabihin no'n?"
"Hindi ko din alam eh. Di kaya, hiring sila ng yaya sa bahay? Cook? Ah.. assistant niya? Ah.. manager? Ah.. taga-alaga ng aso?"
"Gaga!"
"Eh ano?"
"Teka! Hindi kaya.. girlfriend?"
"Girlfriend?! Hoy tumigil ka nga diyan! Alam mo napaka-imposible na niyang sinasabi mo ah! Bakit naman siya magha-hire ng girlfriend eh ang dami nga diyang patay na patay sa kaniya? Tumigil ka nga!"
"Sabagay, imposible. Saka bakit ikaw?"
Tinignan ko siya ng masama. Anong bakit ako ha?
"I mean, maraming babae doon sa field kanina."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...