Chapter 72 - Promise
[Jessica's POV]
Mas okay na sakin na nalaman nila sa ganitong paraan dahil hindi ko talaga kayang sabihin ng personal.
Alam kong mali na instead na isipin ko naman ang sarili ko, sila pa din ang inuuna kong intindihan. Pero ganito kasi talaga ko eh.
Tinuro sakin ni Mommy na isipin mo muna ang iba, bago ang sarili mo.
Syempre, masaya ko na nakatagpo ako ng kaibigan na gaya ni Thea, ng lalaking gaya ni Tristan at ng Daddy na gaya ni Dad.
Isa na nga siguro ako sa pinakamaswerteng tao dito sa mundo, kahit na may sakit ako. Dahil nandiyan sila para sakin.
Kailangan kong lumaban para sa kanila. Kailangan kong ipakita na malakas ako para sa kanila.
Lumipas ang mga araw na nandito ako sa ospital at binibigyan ng kailangan kong medications. Araw-araw ding bumibisita dito sina Tristan.
Nahpapatawa siya at nagkukwento ng kung ano-ano para lang gumaan 'yong pakiramdam ko.
Ang swerte ko, sobra.
Dumalaw na din dito si Arden at Gelo.
"America?" I asked when Dad said na pupunta kami ng America para doon ako magpagamot.
"Mas mapapadali 'yong paggaling mo. Although maganda din naman dito, gusto ko lang makasiguro."
"Dad, may magagawa ba 'yon? Pumunta din kayo noon ni Mommy sa America pero pagkabalik niya, may sakit pa rin naman siya."
"Nakausap ko 'yong kaibugan kong Doktor do'n and tiwala ako na bubuti 'yong lagay mo at gagaling ka kapag doon kita pinagamot. Kahit ga'no kamahal, papatulan ko para lang gumaling ka."
Hindi na ko sumagot.
"Inaasikaso ko na lahat ng kailangan. Sa sabado na tayo aalis."
"What?"
"You need tobe treated immediately."
"Ugh. Okay Dad."
"Sasama si Manang Fe."
Tumango ako.
"Alam na din ni Tristan na aalis na tayo." Napatingin ako sa kaniya. "I already told him at inexplain ko sa kaniya. Pumayag naman siya, naiintindihan niya, basta para sa paggaling mo."
Paano kung.. hindi na ko makabalik?
Nakaupo ako sa wheelchair at tinutulak naman ni Tristan.
"Feeling better?"
"Hm. Kahit papa'no. Bakit ba kailangan ko pang mag-wheelchair eh nakakalakad naman ako?"
Natawa siya.
"Para hindi ka mapagod."
"Don't worry, magpapagaling ako. Sisiguruhin ko na gagaling ako." Sinusubukan kong maging positive.
"Hm. Dapat lang. Hindi pwedeng hindi."
"Pero.. pa'no kung--"
"Oh 'wag mo nang itutuloy 'yan. Gagaling ka, okay?"
"Aalis kami. Gusto ni Dad na sa America ako magpagamot. Doon ako maga-undergo ng bone marrow transplant."
"Pagkabalik mo, magaling ka na. Dapat magaling ka na, okay?"
I smiled.
"Sumama kaya ako?"
"Ano? Hindi pwede. Pa'no 'yong studies mo? Saka 'yong career mo? Diba, gusto mong makapasok sa PBA? 'Wag kang mag-alala, sisiguruhin ko na gagaling ako para pag-uwi ko, ako 'yong may pinakamalakas na cheer sa mga laro mo."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...