Chapter 12 - Punishment
[Jessica's POV]
Kinabukasan nga eh nagpunta kami ni Thea sa JRose para mamili ng isusuot namin sa acquaintance party next week.
Ang ganda at ang classy ng owner nito na si Ms. Julienne! Asawa siya ng isang sikat na artista na si Stephen Prieto. Nandito nga sila sa store ngayon kasama ng anak nila na si Stevey. Ang cute! Swerte kami na natyempuhan namin sila dito sa boutique.
"Jessy! Tignan mo! Ang ganda nito oh! Bagay sayo! Dali isukat mo!" Pinagtulakan na niya ko sa loob ng fitting room. Nakakahiya nga kay Ms. Julienne dahil nagkatinginan pa kami at nagngitian. Mukhang ang bait niya!
After kong isukat eh hindi din nagustuhan ni Thea kaya namili nanaman siya ng bago. Nakailang sukat din ako bago siya nakapili ng babagay sakin. White fitted cocktail dress siya na may silver designs at long sleeves. Wow, ang ganda nga! Kaso ang mahal! Nakakaloka!
Pastel pink naman 'yong napili niyang isuot. No'ng una nga nagsuggest pa siya na magpadesign daw kami kay Ms. Julienne pero duh?! Mas mahal 'yon saka next week na 'yong party! Kaya sa mga ready made na kami namili.
"Thank you!" Sabi ni Ms. Julienne nang nakangiti kaya nagpasalamat din kami sa kaniya. Ang bongga dahil nandoon mismo ang store owner!
Dumiretso na kami sa bahay nina Thea.
Oo nga pala, okay na 'yong sugat ko ngayon kaya medyo nakakalakad naman na ko ng ayos.
"Oh ano? Maganda diba? Meron ka naman nang heels na babagay diyan diba? Bongga na 'yan! Tapos sabay na din tayong magpaayos! Sigurado ako na kakabugin mo lahat ng hipon sa gabing 'yon!"
"Sus. Ikaw din naman 'no! Ang sexy nga no'ng pinili mong damit eh! Baka mamaya niyan matulala pa sayo si Caleb."
"Eh! 'Wag ka nga! Baka si Tristan, sayo!"
Nagtawanan na lang kami dahil, duh? Alam naming imposible naman mga pinagsasabi namin.
Nagkakatuwaan kami dito nang marinig kong nag-ring 'yong phone ko.
Wait! Tumatawag si Tristan!
"Hello--"
"What are you doing? Kanina pa ko tumatawag ah? Nakalimutan mo na? Isang tawag ko lang, dapat sasagutin mo na 'yong cellphone mo. Naka-tatlong missed calls na ko bago mo sinagot." Hala! Weh? Di ko narinig!
"Huh? Naku sorry! Sorry! Hindi ko narinig! Sorry! Kasi.. ano.." Galit ba siya?
"Nasa'n ka ba? Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi mo naririnig na nagri-ring 'yong phone mo?"
"Ah.. ano.. kasi.. nakina-Thea ko. Bumili kasi kami kanina ng damit na isusuot sa party eh tapos dumiretso na ko dito sa kanila. Ah.. bakit ka nga pala tumawag?"
"I can't do my assignment. I have a lot of things to do today, can you do it for me?"
"Ha?"
"Uulitin ko pa? Mahaba eh. Nagets mo naman diba? Research lang naman, kahit i-copy paste mo lang. Itetext ko na lang sayo 'yong questions."
"Ah.. o-okay."
"Kailangan ko 'yon sa monday."
"S-sige. Walang problema." Taga-gawa na din ako ng assignment ngayon?
"Okay, good. By the way, dahil hindi mo nasunod 'yong isang rule, may parusa ka."
"Huh?"
Binaba na niya.
"Wait! Ah!" Ugh! Anong parusa naman 'yon? Hay kasi, hindi ko narinig na tumatawag siya!
Teka, bakit parang hindi si Tristan 'yong kausap ko? I mean, parang ibang Tristan siya ngayon. Ah, baka bad mood lang.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...