Chapter 69 - Movie
[Jessica's POV]
Hindi pa kami agad umuwi. Naglakad-lakad pa kami nang magkahawak kamay.
"Sabihin mo lang sakin if you're worrying about something." Sabi niya.
"Wala. Masaya nga ako eh. Tears of joy 'yon. Pa'no, ang swerte swerte ko na ako 'yong kasama mo, sa dami diyan na patay na patay sayo." Biro ko.
"Mas maswerte kaya ako."
"Ugh."
"May girlfriend akong maganda, matalino, maalaga, mabait, masarap magluto, masiyahin at mahal na mahal ako. Diba?"
I smiled.
After that tiring but wonderful day, hinatid na din niya ko sa bahay.
"Magpahinga ka na, see you tomorrow." Sabi niya.
"Hm. Ingat sa pagdrive. Good night. Thank you." I smiled tapos hinalikan niya ko sa noo.
Nakahiga ako sa kama habang nakatulala at nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Siguro naman, kung hindi na ko gumaling sa sakit ko, magiging okay lang siya.
Makakahanap pa siya ng iba. Syempre, siya si Tristan eh.
Ngayon pa lang, gusto ko nang lumayo sa kaniya dahil ayoko na makita niyang nahihirapan ako dahil alam kong mahihirapan din siya.
Gusto ko nang lumayo para sa oras na mawala ako, hindi na gano'n kasakit sa kaniya.
Siguro 'yon na nga 'yong dapat kong gawin.
Natatakot ako. Hindi ko na alam kung paano.
Kinabukasan, sabay-sabay kaming nag-almusal habang nagkukwentuhan.
Nakakatuwa na makita na ganito kami. Pero ako, pangiti-ngiti lang.
Hanggang kailan ko makikita ang ngiting ganito ni Dad?
Sa Rockheights, kinukulit ako ni Thea. Wala lang, nagpapapansin lang. Parang ewan.
"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko habang natatawa pa dahil dikit siya nang dikit sakin.
"Wala lang."
"Ah! Mag-mall tayo mamaya after class?"
"Oh! Sige! Game ako diyan!"
"Ang tagal na din kasi nating hindi nakapagbonding ng gano'n diba?"
"Oo kasi masyado kang busy kay Tristan!"
"Busy ka din naman no'n kay Caleb ah?"
"Noon 'yon. Eh buti naman naisipan mo na lumabas tayo ngayon. Magtatampo na talaga ko. Ay teka, ano nga palang nangyari kahapon?"
Dahil naitanong niya, nagsimula na kong magkwento at tuwang-tuwa naman siya. Natapos lang no'ng pumasok na 'yong prof namin.
Kung hindi ako makasurvive sa sakit ko, paano na si Thea?
Marami naman siyang kaibigan kaya siguro.. magiging okay lang din siya. Diba?
Nagpaalam ako kay Tristan na aalis kami ngayon ni Thea so after class nga, dumiretsk na kami sa mall.
Kumain, nagkwentuhan, nagshopping at nag-picture sa photobooth.
"Naalala mo 'yong picture natin dito no'ng third year highschool?" Tanong ko.
"Oo naman! Grabe, jeje days 'yon." Natatawa pa siya.
"Hahaha! Sobra! Nakatago pa din sakin 'yon hanggang ngayon."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...