Chapter 37 - Food festival
[Jessica's POV]
Hindi ko alam na nakatulog na pala ko dahil sa pagod sa pag-iyak. Nagising na lang ako na nakaunan ako sa binti ni Tristan like, OMG.
Nanlaki pa 'yong mga mata ko pagkadilat ko dahil nakita ko na nakatingin siya sakin. Bigla siyang ngumiti at umayos naman ako ng upo.
Nag-ayos din ako ng buhok.
"Okay ka na?" Tanong niya.
"Ah.. kapag tulog ako okay ako. Pero 'pag gising ko, naaalala ko nanaman 'yong mga nangyari kanina kaya.." Napatigil ako dahil pagtingin ko sa court, nakita ko na nagtitraining na do'n 'yong mga teammates niya.
"Ugh! Hoy hoy! Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka natitraining? Pumunta ka na do'n!"
"Don't worry. Nagpaalam ako kay coach na babantayan na muna kita. Alam niya din kasi 'yong tungkol sa nangyari kanina."
"Pumayag siya?"
"Malakas ako do'n eh." He smiled.
Tumingin ulit ako sa team at napatingin naman dito si Arden. Kumaway at ngumiti siya.
"Akin na 'yong bag mo." Sabi ni Tristan.
"Huh?"
"Akin na." He smiled at inabot ko na.
Kinuha niya 'yong suklay ko at.. s-sinuklayan ako.
"Uy teka! Kaya ko namang gawin--"
"No, it's okay. Ako na." Ngumiti pa siya.
Bes, 'yong puso ko.
"I heard that all the people involved in what happened earlier will be suspended for a week plus three days community service. Also, their parents will need to go and talk to the dean."
I looked at him.
"Bakit hindi pa expelled?"
Natawa siya.
"The incident is still under investigation."
"Dapat lang talaga sa kanila 'yon. Sana lang talaga, pagkatapos no'n manahimik na sila. Teka, kasama ba si Ashley?"
"Si Ashley? Bakit?"
"Ugh. Hindi mo pa nga pala alam. Siya 'yong nagpakalat ng tsismis na 'yon."
"What?"
"No'ng saturday na hinatid mo ko sa bahay, no'ng nag-usap tayo bago ako pumasok ng bahay, narinig niya pala lahat ng sinabi ko. Hindi lang 'yon ah! Nirecord niya pa! Buti na nga lang na-delete ko. Sorry, sa pagka-careless ko talaga nagsimula lahat 'to."
"Don't blame yourself."
"Kaya nga sinabi ko na sayo, 'wag mo nang kauspain si Ashley. Lahat gagawin no'n, makuha lang niya 'yong gusto niya."
Ibinalik na niya sa bag ko 'yong suklay. Saglit kaming natahimik at nagsalita ulit ako.
"Sa totoo lang, natatakot akong.. lumabas dito. Natatakot akong magpakita sa mga tao. Baka kasi galit pa din sila hanggang ngayon eh."
"I already said what I want to say. Siguro naman naintindihan nila 'yon. Anyway, enough of this drama. Wanna go for a walk?"
"Huh?"
"But first, you need to change your clothes."
Inalalayan niya ko sa pagtayo at inayos 'yong buhok ko at 'yong pagkakasuot sakin no'ng coat niya at ngumiti. Wala akong idea kung anong binabalak niya ngayon.
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...