Chapter 8 - Lunch

79 2 0
                                    

Chapter 8 - Lunch

[Jessica's POV]

Nanood na lang ako ng training nila at pumunta din dito si Thea. Sabay nanaman kaming nag-fan girl.

"Ano? Inaya mo na ba si Tristan na maging date mo sa party?"

"H-hindi pa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh."

"Ano ka ba! Push mo na!"

"Wait lang naman! Humahanap pa ko ng tyempo eh!"

"Hay nako, kapag ikaw walang date sa party ah!"

"Bakit? Kailangan ba meron? Required ba? Hindi naman diba?"

"Ehh! Lahat kasi ng pumupunta, may ka-date?"

"Eh pa'no ka? May ka-date ka?"

"'Yon nga eh. Pero.. pwede na siguro si Jules. 'Yong classmate natin na may gusto sakin?"

Tinignan ko lang siya. Tsch di naman kasi kailangang may ka-date sa party na 'yon. Pero iba nga naman talaga sa pakiramdam na si Tristan ang date ko.

Pagkatapos ng training nila, hinatid ako ni Tristan sa bahay.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Huh? Oo, bakit?"

"Hindi ka ba napapagod?"

"Sanay na. Okay lang, 'wag mo nang alalahanin 'yon."

"Kung pagod ka naman, okay lang na hindi mo na ko ihatid pauwi. Pwede namang magtaxi na lang ako. Okay lang kung gusto mo nang dumiretso pauwi para magpahinga."

"May mga taong nakakakita satin kapag sumasakay ka sa kotse ko so.. okay 'yon diba?"

Ah.. hehe. 'Yon naman talaga ang sole purpose niya dito, diba? Kung sabagay, simula no'ng kinuha niya ko para magpanggap na girlfriend niya eh nabawasan ng 'kaunti' ang mga babaeng nagtitilian sa hallway kapag nakikita siya o kapag pagpasok niya sa umaga, or sa lunch time. Di gaya ng dati na para siyang si Daniel Padilla kung pagkaguluhan.

Ngayon medyo kumalma na ang crowd pero ako naman ang pinagdidiskitahan nila.

"Ramdam mo ba na medyo nabawasan nga 'yong pagkakagulo sayo simula no'ng naging pretend-girlfriend mo ko?"

"Yeah. Medyo? Pero nakakatulong 'yon. By the way, ikaw din naman, hindi mo kailangang manood lagi ng training at dalhan ako ng tubig at pagkain."

"Eh gusto kasi kitang makita eh. Saka, okay lang 'yon. No'ng hindi pa naman ako ganito kalapit sayo, naghahanap talaga ko ng paraan na makanood ng training niyo. Eh ngayong pwede na kong pumasok para manood, eh di mas masaya!"

Nag-smirk siya.

"You really like me, don't you?" Nakangiti niyang tanong.

"Huh? Ano ka ba! Syempre! Kailangan mo pa ba talagang itanong 'yan? Sino bang hindi?--Ay hayaan mo na 'yong mga haters, mas marami namang may gusto sayo. At sa mga 'yon, ako na yata ang pinakaswerte!"

Ngumiti lang siya na ikinatunaw ko nanaman for the nth time. Ayos lang na ganito ako ka open sa feelings ko, bakit? Totoo naman kasi na mula noon pa 'no, di ko na idedeny! As a fangirl 'yon.

Nakarating na kami sa bahay at pagkapasok ko, naabutan ko si Ashley na tumatakbo na may hawak na cocktail dress. Oh? Anong nangyayari do'n?

"Ma! Ma!"

"What?!"

"Does it look good on me?" Tinignan siya ni Tita Almira mula ulo hanggang paa at umiling.

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon