Chapter 42 - Restobar
[Jessica's POV]
Ginawa ko na lang 'yong assignments ko pero habang nagsusulat ako, biglang pumasok si Ashley at kinuha 'yong mga papel, pinunit at ibinato sakin. Ugh, ano nanaman ba?
"Ugh! Ano nanaman ba'ng problema mo?!"
"Are you aware of what you did? Because of you, everyone hates me because they think that I'm a liar. They are blaming me kaya sila na-suspend. And to think that I am actually telling the truth?! Ako pa 'yong naging masama?! How long do you guys plan to decieve people?"
"Sana kasi hindi ka na lang nagialam." Kalmado kong sabi,
"And why wouldn't I?! I have many reasons para mangialam."
Tinignan ko muna kung may hawak siyang cellphone, baka kasi mag-record nanaman eh! Napansin kong wala naman siyang bulsa at waka din siyang hawak.
"Akala mo ba para sakin 'yon? Hindi naman eh. I'm doing this for Tristan. I'm not doing this for myself, for you, or for anyone else."
"I don't care. It doesn't change the fact na niloloko niyo 'yong mga tao, for your own, selfish intentions. You got him, because of that? It makes me hate you more."
"Tapos ka na?"
"Ugh? How dare--hoy Jessica, you won this time. But I won't stop until everybody knows the truth. And after that, I will get Tristan.. from you."
Lumabas na siya ng kwarto ko. Hay nakakainis talaga siya. Sa tingin niya ba kaya niya? Pero, siya si Ashley. Baka nga magawa niya.
Lumipas ang mga araw at ang mga laro sa semi-finals. Naging mainit at maganda ang bawat laban na minsan, pati 'yong mga fans, nag-aaway-away na. Pati nga sa court, nagkakabalyahan na eh.
At ang magtatapat sa finals? Rockheights vs Uptown.
Meaning? Tristan vs Gelo.
No'ng finals game 1 nga, nagkainitan na ng ulo dahil nagyayabangan. May eksena pa na umawat ako sa gitna nilang dalawa dahil muntik na silang magsuntukan. And take note, buong team. Oh diba? Eh di disqualified ang kalalabasan nila kung nagkataon.
Kaya naman kinakabahan ako sa laban nila sa susunod na araw dahil baka magsuntukan sa loob mismo ng court.
By the way, hanggang game 3 lang at sa tuesday na ang game 2. Nanalo ang Rockheights sa game 1 at kapag nanalo pa ulit sila sa game 2, hindi na kailangan ng game 3.
Kaya todo training din sila para maipanalo ang game na 'yon at manatiling defending champion.
Saturday night, gumagawa ako ng paperworks, nagulat ako nang biglang tumawag si Tristan. 1AM na pala. Wow, masyado yata akong natuwa sa paggawa nito ah.
"Hello?"
"Hello? Khate?" Nanlaki 'yong mga mata ko dahil ibang boses 'yong narinig ko. Boses ng lalaki eh. Pero sigurado akong hindi 'to si Tristan.
"Ugh! Teka sino ka? Bakit hawak mo 'yong cellphone ni Tristan--ugh! Ohmygod! Kinidnap mo ba siya at balak mong humingi ng ransom?! Magkano?! Magkano 'yong gusto mo?! Sabihin mo na!"
"Hahaha! Miss, bartender ako. Ang sabi niya tawagan daw kita eh. Hindi na makatayo sa kalasingan 'yong boyfriend mo."
"Ano? Ah.. teka, pa'ano mo.. I mean, bakit mo--"
"Amethyst restobar. Magsasara na kasi kami in an hour, sa tingin ko dapat mo na siyang sunduin."
"Teka, pa'no naman ako makakasiguro na nagsasabi ka nga ng totoo? Pa'no kung.. ini-snatch mo lang pala 'yang cellphone ni Tristan tapos may binabalak ka namang masama sakin ngayon? Hay nako, mahirap nang magtiwala ah!"
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...