Chapter 1 - JessTan Forever

267 6 2
                                    

Chapter 1 - JessTan Forever

[Jessica's POV]

Hi. I'm Jessica Khate Del Mundo. 18. 3rd year BS Multimedia Arts sa Rockheights University.

Fangirl.

Baliw na fangirl.

Patay na patay kay Jan Tristan Montevista. Haaay. Tristan, my loves.

"Tristan! Tristaaaan!!" Maaga pa lang, ganito na ang eksena sa main gate ng Rockheights. Marami kaming nag-aabang sa pagdating ng pinakagwapong nilalang dito.

Hay jusko, ngiti pa lang niya, tunaw na tunaw na ko!

"Tristan! Ginawan kita ng cake oh!"

"Tristan! Para sayo!" Tinatanggap naman niya lahat ng ibinibigay sa kaniya ng mga fans niya.

At lahat kami dito, matutunaw sa oras na ngumiti siya at magpasalamat. Lalo pang lumalakas 'yong mga sigawan.

Ako, kahit hindi niya ko napapansin, ayos lang sakin. Pero syempre umaasa ko na isang araw, mapansin niya din ako. Sino ba namang fangirl ang hindi mangangarap no'n?

"Kaya ko siyang titigan maghapon!" Sabi ni Thea habang inaalog ako pagkapasok namin ng classroom. Nahawa na siya sa pagkafangirl ko pero syempre, mas malala pa din ako.

Kapag nagkaklase kami at dumaan siya sa hallway, sa kaniya nababaling ang atensyon ng lahat. Marami na ngang mag-jowa na nagbreak nang dahil sa kaniya eh! Ibang klase talaga siya.

Kapag vacant at nakatambay kami sa cafeteria tapos bigla siyang pumasok, magsisialisan sila para ioffer kay Tristan at sa mga kabigan niya 'yong lamesa. Alam niyo 'yon, parang hari ang turing sa kaniya dito. Kaya maraming lalaki ang naiinis at nayayabangan sa kaniya.

Excuse me, wala kayong magagawa kung gano'n kalakas ang appeal niya na hindi ko maatim na ikumpara sa inyo. Joke. Masyadong hard.

Sabi nga ni Thea, 'yong pagkabaliw ko sa kaniya, hindi na normal. Kasi kapag binuksan mo 'yong likod ng notebooks ko, oo, with an 's' kasi bawat notebook ko meron, makikita mo ang pangalan niya, mga puso, may Jessy <3 Tristan, Mrs. Jessy Montevista at JessTan Forever na may mga heart pa.

Minsan isinusulat ko din 'yong pangalan niya sa braso ko gamit ng ballpen. May picture frame din sa tabi ng kama ko na ipinagdikit ko 'yong picture niya at picture ko.

Meron din sa cabinet, sa dingding at kahit sa study table, para mainspire mag-aral syempre! Kulang na nga lang, gawan ko siya ng rebulto at itayo sa bahay namin eh. At halos gabi-gabi ko siyang napapanaginipan sa sobrang pagkabaliw ko sa kaniya.

Pero FYI, may mas lalala pa sa pagkabaliw ko at hindi niyo na kayang imaginin kung ano pang kaya nilang gawin mapalapit lang kay Tristan na kahit gaano pa ko kabaliw sa kaniya, kahit kailan, hindi ko gagawin dahil may natitira pa namang hiya sa katawan ko!

Syempre, tandang-tanda ko kung paano ako na-love at first sight sa kaniya noong first year.

**

Kakatapos lang ng klase namin, pauwi na ko nang mapadaan ako sa gym. Narinig ko na parang may naglalaro sa loob.

"Pasa! Pasa mo! Dito!" Pumasok ako sa loob para sumilip. Syempre curious ako dahil bago pa lang ako dito.

Nagpapractice pala 'yong basketball team ng Rockheights. Naupo ako sa bench at pinanood sila. Hanggang sa may isang player na nakakuha ng atensyon ko. Matangkad, medyo moreno at gwapo. Montevista 18 'yong nakalagay sa jersey niya.

Magmula no'n, hindi na naalis 'yong atensyon ko sa kaniya. Buong practice nila, sa kaniya lang ako nakatitig. After no'ng practice, nagbuhos pa siya ng tubig sa ulo niya. Hindi ko namalayan na nakangiti na ko habang nakatingin sa kaniya na parang nagayuma. Ang galing niya pang maglaro!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon