Chapter 66 - Sick
[Jessica's POV]
Friday morning.
Palabas na ko ng kwarto nang marinig kong nagriring 'yong phone ko. Idinikit ko pa sa tenga ko 'yong bag ko para makasiguro.
Oh. Si Tristan tumatawag.
"Oh good morning!"
"Hmm. Good morning."
"Bakit ganyan 'yong boses mo? Okay ka lang? Teka, kakagising mo lang ba?"
"I can't go to school today."
"Huh? Bakit?"
"Ang sama ng pakiramdam ko eh. Ang sakit ng katawan ko, hindi nga ako akabangon ng kama. Pakiramdam ko nilalagnat din ako."
"Ano? Bakit ka nagkasakit, nagpatuyo ka ba ng pawis? O baka naman masyado mong pinapagod 'yong sarili mo?"
"Ah.. I don't know."
"Gusto mo bang puntahan kita ngayon?"
"What? Airhead. Pumasok ka. Kaya ko 'to"
"Tsch. Sige, pupuntahan na lang kita after class."
"Hm. Ingat."
"Kumain ka para lumakas ka. Uminom ka ng gamot."
"Yes Ma'am, sige na."
Bumaba na din ako agad. Hinatid kami ni Dad sa Rockheights.
"Kids, be ready this sembreak, magbabakasyon tayo."
"Saan?" Sabay naming sabi ni Ashley.
"Guess where."
"Ugh. Dad, sa dami naman ng pwedeng puntahan, pa'no namin mahuhulaan?"
"Local or international?" Excited na tanong ni Ashley.
"We'll cruise around Europe."
"Ha?!" Wow!
I smiled brightly. Yes! That sounds exciting!
"So you better buy what you need to bring. I've been thinking about going on this kind of trip and I think since nandito ako and malapit na ang semestral break niyo, we can do it this time."
Ooh! Nakaka-excite!
"By the way Dad, hindi ko pala alam kung anong oras ako makakauwi mamaya. May sakit kasi si Tristan eh. Pupuntahan ko siya."
"Oh. Okay. Sabihin mo magpagaling agad."
"Hm."
Nakarating na kami ng Rockheights.
"Wala si Tristan?" Tanong ni Thea during lunch.
"Hm. May sakit eh kaya hindi nakapasok. Pupuntahan ko na lang mamaya."
"Wow. Ibang klase ka talaga pagdating kay Tristan 'no? Ako, kapag may sakit hindi mo naman dinadalaw sa bahay. Magtatampo na ko."
Sus! Tinawanan ko lang siya.
"Oo nga pala, magbabakasyon ba kayo ngayong sembreak?" I asked.
"Hindi ko pa alam eh. Wala pa namang nasasabing plano sina Mommy't Daddy. Kayo?"
"We're going on a cruise."
'Talaga? Saan?"
"Around Europe daw sabi ni Dad."
"Wow! Ang bongga ah! Sabihin ko din kaya kina Dad para magkasama tayo?"
"Sige! Try mo, malay mo diba."
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...