Chapter 56 - The end
[Jessica's POV]
"Magkaaway kayo?" Tanong ni Thea. Nasa classroom na kami at nagdi-discuss na 'yong prof namin.
"Hindi ko nga rin alam kung anong nangyari sa kaniya eh."
"Parang kahapon lang, para kayong lalanggamin tapos ngayon?"
"Hay ewan ko ba do'n. Baka nga may sakit or may problema lang. Hinayaan ko na lang muna."
Habang nagsusulat ng notes, nagulat ako nang may pumatak na dugo sa notebook ko. Napatakip agad ako ng ilong dahil naramdaman ko na doon nanggaling 'yong dugo.
Hay, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito nanaman ako.
"Ugh! Anong nangyari sayo?!"
Nagulat si Thea nang makita niya kaya pinatingala niya agad ako at nilagyan ng panyo sa noo.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Nag-thumbs up naman ako. "Nako ano nanamang nangyayarI sayo?" Ngumiti lang ako.
Alam ni Thea na madalas talagang mangyari sakin 'to.
"Gusto mo pumuntang clinic?"
Umiling ako. Ayoko nga! Okay lang naman ako 'no.
Sa mga sumunod na araw, gano'n pa din si Tristan sakin. Hindi naman siya biglang magagalit at sisigaw, basta tahimik lang siya habang ako, kwento nang kwento dito. Wala siyang masyadong imik at hindi ngumingiti. Nararamdaman ko din na parang iniiwasan niya ko dahil saglit pa lang kaming magkasama, aalis na siya. May kailangan daw siyang tapusin.
Pero no'ng sinundan ko, nakatambay lang naman sa gym at nakikipagkwentuhan sa iba niyang teammates. Tsch.
"Arden!" Tawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa hallway isang umaga.
"Oh hey Jess! What's up if you're down?"
"Yeah right, I'm down."
"Oh bakit? Anong problema?"
"May problema ba si Tristan?"
"Huh?"
"Meron ba siyang pinagdadaanan nitong mga nakaraang araw?"
"Bakit?"
"Para kasing may iba sa kaniya eh. Bigla na lang siyang naging cold kahit mainit 'yong panahon, hindi siya masyadong umiimik tapos hindi ngumingiti."
"Oo nga, para ngang laging may malalim na iniisip eh. Kahapon kinakausap ko ang sagot niya, 'ha?'. Tsch, ang haba ng sinabi ko, hindi naman pala siya nakikinig."
"So.. anong meron? May nangyari ba? Pinilit nanaman ba siya ng Mommy niya na pumunta ng Amerika?"
"Ah.. ewan. Wala naman siyang nakukwento."
"Dapat alam mo! Bestfriend mo siya diba?"
"Eh kapag tinatanong ko, sasabihin niya, wala. Oh eh pa'no ko malalaman?"
"Hay. Hindi ko alam kung may nagawa ba kong kasalanan sa kaniya o ano. Okay naman kami nitong mga nakaraang araw tapos bigla na lang siyang nagkaganyan."
"Ikaw kaya magtanong sa kaniya."
"Ayaw na ang sagutin. Nag-aalala na ko baka mamaya suicidal na 'yang kaibigan mo."
"Ugh grabe, suicidal agad?"
"Malay mo! Introvert siya kaya baka meron siyang dinaramdam na ayaw niyang sabihin tapos--ugh no, hindi pwede 'yon." Sinampal ko pa 'yong sarili ko dahil sa sinabi ko. Kaloka! Di naman siguro.. diba?
BINABASA MO ANG
You're hired
RomanceYou're hired by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, o...