Chapter 36 - Top secret

58 1 0
                                    

Chapter 36 - Top secret

[Jessica's POV]

"Ugh! Si Tristan!" React no'ng mga tao.

Mukhang dumating si Tristan pero hindi ako makalingon sa kaniya. Nakayuko lang ako.

Tumayo siya sa tabi ko at nakita ko sa peripheral vision ko na tinignan niya ko.

"Oh ayan, nandito na din si Tristan. Mabuti pa, kayong dalawa na 'yong magsabi samin. Sabihin niyo na ngayon sa harap naming lahat na nagpapanggap lang kayo."

Sige na! Tama na please.

"Niloloko niyo lang kaming dalawa, huh? Pa'no mo nagawa samin 'yon, Tristan?!"

"Oo nga! Grabe ka!" Singit no'ng iba.

"Ano?! Hoy Jessica, sabihin mo na nga kasi!"

Iniangat ko 'yong ulo ko at handa na kong magsalita nang hinawakan ako ni Tristan sa braso, hinila at.. hinalikan.

Shet.

Ugh! Anong nangyayari?! Anong ginagawa niya?! Nababaliw na ba siya?! Bakit--ugh!

Napapikit na lang din ako. Ano 'to? Nahimatay ba ko at nananaginip ako ngayon?

Hinalikan ako ni Tristan Montevista.. sa harap ng maraming tao.

Imposible.

Hindi ako.. makagalaw.

Napadilat na lang ako no'ng bumitaw siya at humarap siya sa kanila. Pero ako, hindi na ko talaga makagalaw sa kinakatayuan ko. Nangyayari ba talaga lahat ng 'to?

"You guys do not even deserve to be called as fans. Okay lang na mawalan ako ng fans.. kung mga kagaya niyo lang din naman. How can you believe in rumors that fast? And you even hurt her? Anong klase kayong mga--ugh."

"Pero kasi.. Tristan.."

"Hindi 'yon totoo! Kung anong tsismis man 'yong kumalat na 'yon, hindi 'yon totoo! Hindi pa ba sapat na ebidensya 'yong ginawa ko ngayon sa harap niyong lahat para maniwala kayo?!"

Wait. Did he just.. deny it?

"Why can't you guys just let me have my privacy? Bakit kailangang lahat pinapakialaman niyo? Anong klaseng mga fans kayo? Do you guys think that I will be so devoted to you and will date you all? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kayo kapag masaya ko?"

Tristan...

Hindi pa din ako makagalaw o makalingon man lang. Natahimik silang lahat bigla.

"We aren't pretending." Hinawakan niya ko sa kamay at iniharap sa kanilang lahat. Kaya naman yumuko ulit ako.

"I love her." What--what--what?! Ano daw? Tama ba 'yong narinig ko o may kung ano lang akong naririnig?

Teka lang! 'Yong puso ko! Tristan ano ka ba!

Ano daw 'yon? Ugh--wait! Wait!!

Narinig ko din na grabe 'yong reaksyon ng crowd.

Ano ba naman 'to. Jessica. Kahit na alm kong sinabi lang niya 'yon para tigilan na nila ko, may iba pa din talaga sa pakiramdam. Butterflies.

Alam kong he doesn't mean it pero.. ang sarap namang marinig mula sa kaniya na masakit at the same time dahil alam kong hanggang ngayon, nagpapanggap kami.

Pero bakit? Bakit hindi na lang niya aminin at tapusin 'yong kontrata?

"I'll ask you one thing. Please respect it."

Hinila na niya ko palayo do'n.

Kumakabog ng malakas 'yong dibdib ko. Ang gulo gulo ng isip ko. Ugh. Hindi ko na alam!

You're hiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon